Baka pwede pa nating ihinto ang oras?
Pigilan ang orasan na patuloy na gumalaw para ika'y akin pang mahagkan?
Baka pwede pa.
Baka kaya pa natin.
Hindi namang masamang umasa diba?
Na babalik ka pa.
At patuloy akong maghahangad ng walang katupusan.....
Kahit alam kong hindi na ako.
Kasi naniwala ako sa mga pangako...
Na sa malamig na gabi na naghihintay ako sayo, napagtanto kong ito rin ay mapapako.