Ilang luha pa ba ang papatak para makawala sa bitag ng nakaraan?
Ilang gabi pang makukulong sa dilim at patuloy na maghihintay sa dating
tagpuan?Nasaan na ang mga matatamis mong salita at pangako? Natangay na ba ng amihan?
Para kang bagyo, darating ng walang pasabi at aalis ng biglaan.
Nakatitig ako ngayon sa asul na kalangitan, ngunit wala ka na sa aking tabi.
Isa nga bang panaginip o katotohanang pilit na itinatanggi?
Mananatiling paksa ng aking mga tula, kahit na may iba ng nagwagi.
Sapat nang ako'y napili kahit hindi hanggang sa huli.
Ikaw ang kabanata ng istoryang dadalhin ko hanggang pagtanda.
Kasama ang masaya, malungkot, nakakilig, at nakakatraumang alaala.
Sa bawat liriko ng ating ginawang kanta, sakit nalang ngayon ang dala.
Pero ako'y makakaahon din, habang ika'y nalulunod sa bagong prinsesa.
Bawat pagsikat ng araw tuwing umaga'y nagbibigay pag-asa.
Na pagkatapos ng lahat ng unos, may liwanag na makikita.
Ngayon ay alam ko na ang totoo kong
halaga.Isasara na ang libro, at magsisimula ng bago kasama ang iba.
-epekto ng 3 hours of sleep, thank you Carbon sabog sabog na utak ko 🐕