Third Person's POV
Kabadong-kabado si Ariana sa harap ng kanyang salamin. Ngayong gabi ay ipapakilala na sya ni Patrick sa mga magulang nito.
Tama ba itong dress na suot ko? Should I change the color of my lipstick? Eh itong pumps ko? Dapat yata grey pumps yung sinuot ko! Turan ni Ariana sa sarili. Sa buong buhay nya, ngayon lamang sya kinabahan ng ganito!
Napangiti sya ng mapait. Sayang, hindi nya mapapakilala sa magulang nya si Patrick. Namatay kasi ang mga ito sa isang car accident noong 12 years old na sya. Pasalamat na lamang sya at mabait ang mga kamag-anak nya at inalagaan sya. Noong nagdebut na sya ay nakuha nya na ang properties ng mga magulang nya.
Pero hindi dapat sya malungkot! Iyon ang nasa isipan nya. Dapat ay maging masaya sya ngayong gabi. Sa wakas ay makikilala na nya ang pamilya ng lalaking mahal na mahal nya.
**
"Wow, you look....beautiful." Halos malaglag ang panga ni Patrick sa paghanga sa dalaga. She was wearing a simple venus cut blue dress na above the knee at black pumps. Light lang ang make up nito na nagpaangat sa natural nitong ganda. Ahh, napakaswerte ng binatang iyon sa dalaga. Pero swerte rin naman ang dalaga sa kanya!
"Totoo ba 'yan?" Natatawang tanong ni Ariana, yet, she's so damn nervous. Tumango ang lalaki at hinalikan sya sa pisngi.
"I know you're nervous. But don't worry, magugustuhan ka nila. I am certain of that." Sabay kindat ng lalaki. Ariana gave him a sweet smile.
Patrick's POV
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko at gayon din kay Ariana. Heck, nandito na kami sa tapat ng mansion namin. I'm more than excited.
Finally, my family will meet the woman I love.
"Patrick, I'm really nervous," she shyly said to me. I cupped her cheeks and kissed her forehead. "Baby, I am here. There's nothing to worry. Alright? Tara na."
Hawak-kamay kaming pumasok sa mansion. Binuksan ni Manang Carmen ang malaking pinto papasok sa bahay. Bumungad sa amin ang mommy ko.
"Oh! Honey! Nandito na sila!" Inilapag ni mommy ang binabasa nyang magazine at lumapit sa amin. She hugged me and Ariana too. "Good evening po." Bati ng nahihiya kong girlfriend.
"Oh, just call me Mommy Deanne. Come on, you two. Tara muna sa sala. Pasensya ka na Ariana ha, Patsy's dad is still upstairs," pagpapaliwanag ni mommy.
"Patsy, huh?" Nakangising bulong ni Ariana. Naramdaman ko ang pag-iinit ng tenga ko. My mom calls me Patsy. Hindi naman ako umaangal pero nahihiya akong nalaman iyon ni Ariana.
I squeezed her butt. Napasinghap sya at tiningnan ako ng masama. Huh, Patsy pala ha. Hinampas nya ng mahina ang dibdib ko.
"Bwisit ka." Bulong nya. I just kissed her sweet lips.
"Oh honey! Nandito na sila!" Naabutan namin si daddy sa sala, having his coffee. Tumayo sya at tinapik ang likod ko. He smiled at Reese. Reese smiled back, shyly. Hmm, my girlfriend is so shy tonight.
"Hello, hija. I'm happy you made it. I'm Carry, Patrick's father." At niyakap nito si Ariana.
I am more than happy that they are welcoming her with warmth. Masaya akong makita na masaya ang girlfriend ko sa pamilya ko. This is the best sight ever.
"Kuyaaaaa!" That voice. Ilang segundo lang ay nakayakap na sa akin si Selena, my little sister.
"Hey there sweetheart," at pinisil ko ang pisngi nito. Tumawa ito. Bumaling naman ito kay Ariana.
"Are you kuya's girlfriend! You look beautiful! Thank you ha! I thought kuya's bakla---" Hindi ko na pinatapos si Selena. Tinakpan ko ang bibig nya. We all laughed.
I think tonight's gonna be a great long night.
**
"So you own a cake shop? That's cool!" Tuwang-tuwang saad ni mommy na napapalakpak pa. She's fond of cakes that's why I am sure sobrang naimpress sya kay Ariana.
"Yes po mommy. Sorry po hindi ako nakapagdala. Next time po, I promise," then Ariana smiled sweetly.
Kakatapos lang ng dinner namin. Mommy prepared greatly. Masasarap ang pagkain at inumin. She is really the best mom on earth.
"Hmp! I don't want cakes! I want ice creams!" Selena's arms were crossed. Para syang nagtatampo. Well, unlike mommy, Selena loves ice creams and hates cakes. Weird right?
"They serve ice creams in her cake shop too, baby," sabi ko sa kanya sabay hawi ng buhok nya. Para namang isang batang binigyan ng ice cream si Selena. Nagningning pa ang mga mata.
"Really? Will you take me there?!" She was pretty excited. Ariana nodded. Niyakap nito ng mahigpit si Ariana.
"Aww, that's so sweet!" Komento ni mommy. Dad hugged her and kissed her cheek. Mom blushed.
We all laughed, again. Maraming beses kaming natawa tonight. I feel extremely thankful for having this kind of family and girlfriend.
Loving Ariana is beyond perfect. Because of her, I found the real love. Kung dati ay wala akong balak seryosohin, ngayon, sya lang ang balak kong pakasalan. I love her so damn much.