A/N: Lahat po ng POVs ay kay Ariana. Kung mag-iiba man, lalagyan ko na lang ng note. Please give my story a try, it won't hurt you naman diba guys? Thank you ♡ツ
×××
"FINALLY A. FINALLY. AKALA KO FOREVER KA NG TIMANG EH." bungad ng kaibigan kong si Zyril.
Nagkita kami ngayon sa Cups and Cones, isang ice cream shop malapit sa kanila. After 3 days of being by myself, I've decided to finally move. Tama na siguro yung 3 araw na nag-iiyak ako sa bahay.
"Whatever. By the way, Zy, wala ka namang pinagsabihan nung kwento ko diba?" Sabi ko sa kanya.
Zyril Romana is my best ever friend. She's my bestfriend for 5 years. At napakabait nya, though minsan walang preno ang bibig nya.
"OO! GRABE TO!" Eksaherada nyang sagot. Kinwento ko kasi agad sa kanya yung nangyari 3 days ago.
Naguguluhan siguro kayo. Well, okay. I'm gonna clear this thing.
Patrick Sullivan. My great love. High school pa lang kami, hinahabol habol ko na sya. E di wow diba? Knowing na hindi ko pa sya schoolmate dahil sa All-girls school ako nag-aaral at sya naman sa All-boys. Hindi nya ako pinapansin. Pero nung tumungtong kami sa college, things changed. Pinapansin na nya ako. Then nung 3rd year college na kami, naging kami. How cool is that? Siguro kinikilig kayo at sa tingin nyo happy ending na. Pero hindi.
Patrick didn't court me. Nilapitan nya lang ako, then viola! Kami na! Lumalabas kami at nagkakilala lang ng naging kami na. Hindi ko alam kung bakit nya ako ginerlpren at bakit ako pumayag sa ganong set up. All I know is, mahal ko siya at gusto ko na sya forever. The end. At ang maging kami ay okay at sapat na. Pero hindi pala....
1 week after maging kami ni Patrick, nalaman ko sa kaibigan ko noong college na ganon pala talaga si Patrick. Na malamang flavor of the week daw ako. Pero nagtataka sila, kasi bakit daw lampas na ng isang araw, 1 week and a day na pero hindi pa rin nakikipagbreak sa akin si Pat. Taas-noo ako non, sinabi kong mahal talaga ako ni Patrick. Kumapit ako at naniwala sa mga sariling salita ko. Malay mo naman diba? Sweet si Patrick, mabait sya. Well, hindi sya gaanong boyfriend material pero diba nga, when you love a person, accept them the way they are! At mahal na mahal ko si Patrick kaya tanggap ko sya. Tanggap ko yung gusto nyang set up namin.Pero at the same day, nahuli ko si Patrick na may kahalikan sa likod ng school bago mag uwian. I confronted him. Pinagsasampal ko yung kahalikan nyang linta at pinangalandakan ko sa kanya na ako ang girlfriend ni Pat. Umalis yung babae, galit na galit sa akin. Noong panahon lang na yun lumabas yung pagkawar freak ko. Because I, Ariana Grande is known to be a sophisticated and well-behaved girl. Pero dahil kay Patrick nawala yun.
Inaway ko si Patrick that time. Pero tanging "what the fuck, woman?" lang ang natanggap ko sa kanya.
And the worst, ako pa yung nagsorry. Hahaha paksyet. E di wow na talaga. Umiyak ako sa harapan nya at tumango lang sya.
Simula non, nakilala na ko as his girlfriend. Pero mukhang ako lang ang sumeseryoso dun. Because Patrick continued dating a lot of girls. Madalas ko syang nahuhuling nakikipag make out and the worst was I caught him having sex at a room noong kalagitnaan ng graduation ball ng 4th year.
Pero hindi ako nakipagbreak. Maybe I like the chase. Ang katwiran ko, diba gusto mo 'to? You chased him for so long and now you're gonna give him up just because you caught him making out or having sex with some bitch? I know we can last. Konting tiis lang naman eh. Konting sakit lang. Konting lunok lang ng pride.
Hindi rin naman sya nakikipagbreak sa akin so it's always on my hands.
We became closer when we graduate. He still cheats on me but not so frequent. He treats me better this time but he still manages to hurt me. I don't know if I am a masochist. Maybe I just love the chase.
And 3 days ago, I broke down. I told myself I don't deserve his treatment. Hindi ko inasahang aabot ang lahat sa puntong iyon.
I caught him again, but this time is so maddening, so frustrating. He's with two girls! And they're doing what lovers do.
Sobrang nandiri talaga ako sa kanya. Sa sarili ko. How did I manage to be with this manwhore for years! Hindi ko talaga kinaya that's why I walked out. At hindi man lang nya ako hinabol! A day after that, I called him. And that's the day I promised myself na hindi na ako babalik sa dati. Ayoko nang maging tanga sa kanya. Hindi nya deserve yung pagmamahal ko.
So now you understand it already. Siguro sasabihin nyo ang tanga ko at ngayon ko lang 'to naisip. Ngayon ko lang nabigyan ng halaga yung sarili ko. Well, please stop. Because that's exactly what I am always thinking after that confrontation. How can I be so stupid? Paano ko nagawang ibaba yung pagkababae ko para sa isang lalaki lang?
Just when my tears are about to fall, Zyril held my hands.
"A, you know I'm always here for you. At...kahit gaano ka katanga for ilang years, I just want you to know na hindi nagbago yung tingin ko sayo...ever. Para sa akin, nagmahal ka lang naman. At alam ko naman kung anong nagagawa ng love....nakakabuntis! Speaking of buntis, buntis na ako. Ang bilis ni Christian 'no? I'm two months pregnant!" nagulat ako sa sinabi nya. OMG. Kahit kailan talaga itong si Zyril!!!
"OMG MAGIGING NINANG NA AKO! OMG I'M SO HAPPY FOR YOU Z!!!!" and I hugged her. She hugged me tight too. "Bakla ka, nag-eemote ako bigla mong ia-announce na jontis ka! Hahaha! Sharp shooter talaga ni Christian!" sabi ko. Nawala bigla yung lungkot ko. A baby is always a cure to sadness. Magpabuntis na lang din kaya ako? Chos lang.
"Oo naman. And one more thing, I'm getting married next week! Ikaw ang bride's maid okay!!!" she winked at me. And I gasped again! Jusko! Ilang pasabog pa ba ang ilalabas ng kaibigan kong 'to!!!
"OMG! Ilan pa ang ilalabas mong balita ngayon ha? Grabe, why so fast?" I asked her. "Matagal na naming plinano 'to. Itong baby ang masyadong mabilis kamo, diba dapat after ng kasal 'to?" and she laughed whole-heartedly. I smiled. Masaya ako para sa kaibigan ko. I'm happy that Christian is the one she'll marry. Dati kong suitor si Christian pero nainlove sya sa tulay namin, si Zyril. Masyado kasing bubbly at funny si Zy, unlike me, parang asong laging naghahabol sa buto---which is Patrick. Who would have thought na sila pala ang magkakatuluyan.
"Oh, ayan ha. I cracked some pampagood-vibes chika. Kaya please lang, stop getting sad. Ni-let go mo na si Patrick. At wala tayong pake kung mamahalin ka nya ng mas matindi at sincere, gaya ng gusto mong mangyari. But look at the brighter side, maybe you could find new love, yung ikaw naman ang hinahabol." And she hugged me once again. "The chase is over, Ariana. It's all over." Her words gave me chills. I'm finally breaking free.