XVII - Hunt

343 7 0
                                    

Pumunta si Patrick sa Cake Shop ng nobya para sunduin ito at ayain na rin ng lunch. Ngunit ang nadatnan nya lang dito ay ang mga empleyado nitong naghahanda na pauwi at hindi alam kung nasaan ang amo. Masyado raw maraming customers kaya hindi na nila napansin ang amo. Ang bilin naman daw lagi ng kanilang Ma'am Ariana ay magclose lang ng shop kapag 8 pm na, na ginagawa naman nila ngayon dahil wala ang kanilang amo.


Hindi mapakali si Patrick. He checked Ariana's office. Okay naman ang lugar pero napansin nya na nandoon ang bag at cellphone ni Ariana sa working table nito. Tinanong nya muli ang mga trabahador kung talaga bang hindi nila napansin ang amo. Sabay-sabay na humindi ang mga ito.


Nang nasiguro nyang wala talaga sa shop si Ariana at walang alam ang mga trabahador nito, nagpaalam na sya at umalis sa Cake Shop. Hahanapin nya si Ariana. Siguro ay nasa bahay na ito ngayong oras. Pero ang pinagtataka nya, bakit hindi man lang sya kinontak nito sa buong araw? Hindi naman ganoon ang dalaga. Sa halip, sweet ito at palaging pinapaalam sa kanya ang mga agenda nito sa araw-araw. Hindi naman nya natatandaan na nag-away sila dahil wala naman talaga silang naging away. Okay silang dalawa, kaya walang rason para hindi magparamdam sa kanya ang nobya.


Nang marating nya ang bahay ni Ariana, agad-agad syang nagdoorbell. Pero walang sumasagot. Natanaw din nya na sarado ang mga ilaw sa loob. He waited there for almost 30 minutes nang lumabas ang kapitbahay nito.


"Good evening? Hinahanap mo ba si Ariana? She's not there. Umalis sya kaninang umaga pero hindi pa sya umuuwi." Sabi ng babae. Napakunot ang noo ni Patrick. "Sigurado po kayo? Wala rin kasi sya sa cake shop nya eh," Tugon nya. Tumango ang babae at sinabing sigurado sya. Nagpasalamat si Patrick at umalis na.


"Nasaan ka na ba talaga Ariana?" Tanong ni Patrick sa sarili. Hindi nya alam pero hindi maganda ang kutob nya. Pakiramdam nya may hindi tamang nangyayari sa nobya. At mas lalong kinakabahan sya dahil hindi nya mahagilap kung nasaan ito.


Nagdrive sya papunta sa opisina nya. Babalik sya. Baka sakaling nagkasalisi lang sila. Hindi nya gustong pag-isipan ng di maganda ang kalagayan ng nobya. Ayaw nyang isiping...may nangyari na hindi masama rito.


Ngunit wala rin doon ang nobya. Napasapo sya ng ulo. Ngayon, kinakabahan na talaga sya. Hindi nya mahagilap ang nobya at hindi naman nya matawagan dahil nakita nya ang cellphone nito kanina sa opisina nito, maski ang gamit nito.


Nang hindi na nya alam ang gagawin, pumunta na sya sa police station para ireport ang pagkawala ng kasintahan. Dahil hindi naman madeklara na 24 hours na itong nawawala, hindi muna ifinile ang case ni Ariana as 'Missing'. Ikinayamot iyon ni Patrick. Kailangan pa bang mawala ng isang araw si Ariana para hanapin sya? Gayong kinakabahan na nga sya? Hindi naman iyon nakatulong dahil wala rin syang nagawa. Kailangang sundin ang panukala.


He went back to his home. Naabutan nya sa harap ng gate ang babaeng ayaw nyang makita — si Yuri Miyamoto.


Nilagpasan nya ito na parang hangin pero hinawakan nito ang braso nya. "Ano ba?!" Sigaw nya rito. Wala syang panahon para makipaglokohan sa baliw na iyon.


"Please, makinig ka sa akin. Hindi ako manggugulo!" Umiiyak si Yuri. Pinilit kumalma ni Patrick. "Bakit ka ba nandito ha?"


"Patrick, I don't really want to do this! Hindi kita gusto! Wala akong interes sayo! Pinilit lang ako ni Nathan!"



Parang biglang binuhusan ng malamig na tubig si Patrick. Nathan? Nathan Gomez? Hinawakan nito ang balikat ni Yuri. "Aray! Patrick nasasaktan ako!" Pero sa pagkakataong iyon, galit na galit si Patrick.


"Kasabwat ka ni Nathan?! Ano bang balak nyo sa amin ni Ariana ha? Bakit nyo ba kami ginugulo?!" Sigaw nya kay Yuri. Pinilit ni Yuri na kumawala sa pagkakahawak ni Patrick sa balikat nya.


"Wala akong pakialam sa inyo! I promise! But Nathan! He's crazy! I'm here because I wanna warn you. Bantayan mo si Ariana! Nathan's crazy over her! Ginamit nya ako para paghiwalayin kayo! Pero hindi ako nagtagumpay...and now, I think he's gonna do anything to get her!"


Naging malinaw na lahat kay Patrick ngayon. Hindi pa rin pala sila tinitigilan ng hayop na iyon. Akala nya matagal ng wala sa landas nila ang Nathan Gomez na iyon. Yun pala, naghahabi lang ng mga plano na ikakasama nilang dalawa ni Ariana!


"Manalangin na 'yung hayop mong nobyo. If it turns out that he did something stupid to my woman, I'll kill him...with my own hands. And I'll hunt his soul in hell."




Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon