3rd Person's POV
Tatlong araw na ang nakalipas matapos ang insidente sa club. Nagpapasalamat si Ariana dahil walang kumalat na confrontation video nya kay Patrick. After all, maybe the club people respect her feelings that night.
Nagring ang telepono nito. Oo nga pala, kasal ni Zyril ngayon. Nakabihis na naman sya. Papunta na sila sa simbahan.
"Hello?" Bati nya sa kabilang linya. Unregistered number.
"Hi. It's Nathan." Shoot. Hindi nga pala sila nagkapalitan ng number. Hindi nya alam kung bakit kinontak pa sya ng lalaki gayong nadamay ito sa eksena sa club at hindi pa nga nya ito napapaliwanagan sa nangyari.
"Oh, h-hi." Kandautal na sagot ng babae. Ugh! Ano bang sasabihin ko? Yan ang nasa isip nya.
"Don't be upset. Candace told me about that Patrick guy," mahinahong sagot ni Nathan. Gumaan naman ang loob ni Ariana.
"I'm so sorry Nate at nadamay ka pa..." paghingi ng tawad ni Ariana. She heard him sighed on the other line.
"Malakas ka sa'kin eh. Anyway, I was invited to Zyril's wedding. See you later," nagulat si Ariana. Bakit parang sobrang close naman nito sa circle of friends nya? Pero okay lang naman din para sa kanya dahil mabuti namang tao si Nathan.
"Uhm, sure." At hindi namalayan ni Ariana na napangiti na pala sya.
ARIANA'S POV
"Congrats, sis!" All smiles kaming magkakaibigan ng batiin namin si Zyril. Kasal na ang bestfriend ko!
"I'm so happy for you, Zy. Best wishes," I sincerely hugged her. She hugged me back. "At ikaw, mister. Pag pinaiyak mo ang kaibigan namin, puputulin namin yang putotoy mo!" Baling ko kay Christian. Namula ito and he looked nervous. Tumawa kaming mga babae.
"Hinay-hinay lang mamaya sa honey moon ha, baka mapisak si baby," biro ni Candace. Natawa kami ulit. Buntis si Zyril.
"Mga bakla kayo. Oo na!!! Wag nga kayong ano, ineechos nyo ang asawa ko!" And Zyril kissed her husband's lips in front of us.
"Aww..." sabay-sabay naming wika.
They are so sweet. They look perfect together. At the back of my mind, I feel jealous. This was my dream. Ang makasal at magkaroon ng anak kay Patrick. Pero sa tingin ko hindi na yun mangyayari. Una pa lang naman imposible na. Ako lang itong mahilig magpilit.
Nawala ako sa mundo ko when someone called me. Nilingon ko ito. It was Nathan, in his three-piece suit. Ang gwapo nya.
"You look gorgeous," puri nito sa akin pagkalapit nya. I smiled. Geez, kung maganda ako, sobrang gwapo mo. You are so perfect.
"Thank you," at pinisil ko sya sa pisngi. Napansin kong namula sya ng konti.
"Hmm, I missed you." Sabi nya. Napangiti na naman ako. Pero may kaba sa damdamin ko.
"I missed you more." Hindi ko alam kung paano at bakit lumabas yun sa bibig ko.
Ngumiti sya. Lalo syang gwumapo.
"I wish you'll fall faster. Because I like you. I really do."
My heart skipped a beat.
*
A/N: Sabaw!!! Hell week kasi kami. Babawi ako sa susunod. Check nyo yung Captivating Aphrodite ko. Doon ako medyo focused =)))