AIKA'S POV
Habang nagsasalita si Sir Fabroa ay may biglang kumatok. Tumingin naman kaagad ito sa may pinto.
"Good morning po sir, sorry po na-late ako." Nakayukong wika nung lalaking payat.
"Ito pa ang isa sa ayaw ko! Ang nali-late sa klase ko!" Sigaw na wika ni Sir Fabroa sa amin.
Shems! Nakakatakot naman ang sir na ito. Mabuti na lng hindi kami na-late kanina, nakakahiya pag napagalitan. Tiningnan ko naman ang lalaking payat, nanatili itong nakatungo pero bakas ang takot sa kanya dahil napansin kong parang nangangatal ang isang kamay niya.
"Come in, first day of class pa naman! Sa susunod Hindi na kita pagbibigyan na makapasok sa klase ko pag na-late ka pa!" Malakas na sigaw ni Sir Fabroa.
Gosh! Pati ako kinakabahan, ang istrikto kasi ng mukha niya. Well, istrikto namang talaga.
"Sorry po sir." Nakayuko pa din ito habang naglalakad papasok. Nakita ko naman na umupo ito sa bandang likudan ni Lleigh.
Nasa left row sina Lleigh at Rhein while nasa right row naman kami ni Saffiera. Sina Lleigh at Rhein ay nasa bandang unahan sa left row pero hindi sila magkatabi. Kami naman ni Saffiera ay nasa bandang likuran sa right row.
Ang pwesto namin ay nasa likudan ko si Saffiera at katabi nito si Andrei na malapit sa tabing bintana. Ako naman ay nasa unahan ni Saffiera at ang nasa unahan ko naman ay si Dwayne, wala din itong katabi kagaya ko.
Kaya kami ay hindi magkakatabi ng mga kaibigan ko ay dahil ayaw namin, nagkaka-daldalan lang kasi kami, pero syempre dapat malapit pa din ang mga seats namin.
Maya maya lang habang nagsasalita ulit si Sir Fabroa ay may biglang pumasok na limang c-cute na kalalakihan. Dire-diretso lang ang mga itong pumasok at umupo. Ang isa namang lalaki ay tumabi sa katabing upuan ni Lleigh, at yung isa namang lalaki ay ganon din, sa katabing upuan ni Rhein.
Nagulat ako ng hindi sila pinansin ni Sir Fabroa at tuloy–tuloy lang ito sa pagsasalita na para hindi ang mga ito na-late, ni hindi nga man lang ang mga ito kumatok. Bakit kaya hindi sila pinagalitan?
Nakakapagtaka.
"Okay, we have four transferred here from Bernard University. Pumarito kayo sa unahan at ipakilala niyo ang sarili niyo." Malakas na tawag ni Sir Fabroa.
Nakita ko naman na tumayo na sina Rhein kaya naman tumayo na din ako at pumunta sa unahan.
"Hi, my name is Rhein Magenda, I don't have second names unlike of my three bestfriends. Hope you can bear with me all." Nakangiting pagpapakilala ni Rhein.
May pumasok na lalaki at hindi man lang ito kumatok katulad nung naunang lima, Hindi ko nakita ang mukha niya dahil dire-diretso itong naglakad sa katabi ng ........... seat ko.
Narining ko pa ang mga mahihinang tili ng mga kaklase kong babae.
Tuluyan na itong nakaupo sa tabi ng seat ko, at halos malaglag ang panga ko ng makilala ko kung sino siya.
Oh my Goddddddd! Yan ang sigaw ko sa isip ko.
Nakita kong nakatingin siya akin. Hindi ko mabasa ang emosyong nasa mukha niya. Ang angas niyang tingnan mula kaninang naglalakad siya, ngayong nakaupo na siya at nakatingin sa akin.
Gosh! Bakit ako kinakabahan ng ganito?
Narinig kong tumikhim si Sir Fabroa.
Kaya naman naitikom ko ang bibig kong nakaawang pala.