Chapter Twenty three

9 1 0
                                    

AIKA'S POV

Nagising ako dahil sa ingay na naggagaling sa paligid ko. Pilit kong iminulat ang mga mata ko dahil sa sobrang kaantukan. Nakita ko ang mga kaibigan ko na nasa loob ng kwarto. Si lleigh ay nakadapa sa kama, Samantalang Si Saff ay nasa may bandang paanan ko, at si Rhein naman ay nasa may kaliwang parte ng kama at nagce-cellphone.

"Girl, ano na? May usapan tayo diba? Mag sisimba tayo today!" nakasimangot na sambit ni Saffiera.

Shookt! Oo nga pala, napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong may 20 minutes pa bago magsimula ang unang misa. Dali dali akong bumangon at saka naligo. Bakit ko ba naman iyon nalimutan? Kahit antok na antok pa ay wala akong nagawa kundi ang maligo at magbihis.

Nakabusangot naman ang mga mukha nila noong natapos ako. Ngumiti na lang ako sa kanila saka umirap.

Duh! It's not my fault. yeah it's my fault pero kaunti lang, kasalanan iyon ng ng magandang panaginip ko!

"Wala pala sina tita rito?" tanong ni Lleigh.

"Yes, nasa taiwan sila, Hindi ko alam kung kailan sila babalik." sambit ko.

Nang nakita nilang ang bagal ko kumilos ay tinulungan na nila akong mag ayos ng sarili. Si Rhein ang nag ayos ng buhok ko, si Lleigh at Saff naman ay ang naglagay ng light make up sa mukha ko.

"Ayan, we're done!" may pa clap pa si Saff ng sambitin iyon.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Simple floral dress lang ang sinuot ko at pinaresan ko ito ng flat sandals, nakalugay naman ang buhok ko na medyo kinulot ni Rhein ang dulo.

"let's go." aya ni Lleigh.

"Sige, tara na.. Magpapaalam lang ako kina kuya." ani ko.

"No need na, nakapag paalam na kami, kanina nong pinapasok kami ni Kuya Jun, nandoon si Kuya Aldrin sa salas kaya kami na ang nagpaalam para sayo."

Tumango naman ako sa sinabi nila at sabay sabay kaming lumabas. Nakita ko pa si kuya Jun sa garage na naglilinis ng mga sasakyan. Ngumiti naman ito sa akin.

"Ma'am, magpapahatid po ba kayo?"

"Ah hindi na kuya Jun, kina Saff na lang po daw kami sasakay."

Tumango naman ito.

Nang nakasakay na kami sa sasakyan nina Saff ay todo pictures naman itong si Rhein, wala na rin kaming nagawa kung hindi ang mag pose sa bawat click ng camera.

"Isa pa dali! Pang my day lang sa IG." excited na sambit niya.

Nag pose naman kami at todo tawanan lang kami hanggang makarating sa simbahan.

"Bilisan natin, baka nagsisimula na." sambit ni Lleigh.

Huli naman na bumaba si Saff, marahil ay kinausap muna iyong driver nila.

"let's go." excited na sambit ni Saff nong makababa siya.

"Anong oras daw tayo susunduin ni Kuya Ramil?" tanong ko.

"Sabi ko mga hapon na kase mag gagala pa tayo after nito."

Anong mag gagala? Eh ang paalam lang ata kay Kuya Aldrin ay sisimba lang. Mayayari ako nito eh.

"Ang paalam lang ata kay Kuya ay sisimba lang."

"Sinabi din naman namin na mag gagala tayo after simba, so matik na iyon sis!" Ani ni Lleigh.

"Yeah, and mukhang busy rin ang kuya mo, mukhang ang daming inaasikaso pero hindi nabawasan ang kapogian niya! He really looks so handsome damn!" sambit ni Saffiera na medyo kinikilig pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Gangster Stole my HeartWhere stories live. Discover now