Uwian n sa wakas, dahil kasama ako sa list ng cleaners sa araw na yun, nauna na umalis sila Yuchi at Ayla.
Bakit ko pa ba maglinis eh may janitor naman? Alam din ng ibang mga kasama ko na may naglilinis naman talaga, kaya nauna na sila.
"Oh Pib (nickname sakin ng mga tamad kung classmate) hindi ka pa aalis? Yaan muna na yang mga kalat, mahal ng tuition natin tayo p yung maglilinis, Ayos!" ang sabi ni Cloe isa ko pang classmate.
"Oh sige, sunod n lang ako, aayusin ko pa yung mga gamit ko ih." nginitian ko siya.
Nakaalis n sila.
Bakit ako nagpaiwan?
May inaabangan kasi ako, si Santi.
Palagi syang huli kung umuwi. Siguro kasi, he is just checking if Yuchi and Ayla are still there. Tatayo na sana siya para umalis.
"Santi,"
Napalingon siya, at kaming dalawa n lang ang nasa classroom.
Tumingin siya sa kin, teka nag bla blush ba siya? Ang cute. Pero ni never mind ko na lang yung reaksyon niya.
"Sorry pala," sinisimulan ku n.
"Huh? Saan?" ang tanong niya. Itinaas niya yung salamin niya.
"Dun sa ginawa nila Ayla at Yuchi. Sorry talaga. Hindi ko nga alan kung bakit trip na trip ka nila. " nag explain ako sa kanya.
"Hindi dapat ikaw yung nagso sorry, Phoebe Angela." sambit niya.
'Phoebe Angela' tinawag niya ako sa first at second name ko, wow. 'Phoebe Angela', ngayon ko n lang ulit narinig yun. Para tuloy nagulat yung reaksyon ko sa kanya.
"Ahh, ehh, ahm, Kasi kaibigan ko sila, more like sisters, kaya ako n ang manghihingi ng despensa. Hays, sana tigilan ka lang nila, kasi ang plain plain mo naman, wala ka ngang angas sa katawan ih. Sorry talaga ah," ang sabi ko pa, ngayon lang ako nakipag usap kay Santi ng ganito katagal. He seemed uneasy. Naiilang ata siya sa kin.
"Plain?" bulong ni Santi.
Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya.
"Huh? Ano yon Santi?" tanong ko sa kanya, umiling na lang siya at tumingin sa pinto. Gusto na niyang umuwi.
"Ah, nagmamadali ka ba Santi, sige mauna ka na. Sorry ulit ah." ang sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat. Naglalakad na ako papunta sa upuan para kunin yung bag ko.
"Paano ba hindi maging plain, Phoebe?" ang sabi niya.
Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. Napatitig ako sa kanya.
"Ah, Balewalain mo n lang yung sinabi ko, Phoebe Angela. Aalis n ako." at nagmamadali ng naglakad palabas si Santi.
"Paano bang hindi maging plain?" inulit ko sa sarili ko yung tanong niya.
Nakaisip ako ng joke.
Patakbo akong lumapit sa pinto at hinanap siya.
"Kapag natalo mo ako!" ang sigaw ko sa kanya. Lumingon siya sa kin, parang nagulat pero nginitian ko lang siya.
BINABASA MO ANG
The Lover and the Beast (an 'All Time Low' songs inspired series)
Teen FictionSi Phoebe ay isang pop na girl sa school nila, she is known to be the smartest and ever so kind. Pero despite of all the things Beautiful about her, may isang obsession siya that is ugly and lurking behind her angelic face. Si Santi naman ay isang...