That makes me a Liar

31 0 0
                                    

Tinalo ako ng isang invisible man.

Yan lang ang tumatak sa isip ko hanggang sa makauwi ako.

"Ayos, ang joke ko, tinotoo niya." sinabi ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama ko. "Nagpapansin siya talaga. Nakakainis."

Hinarap ako ang pinakamalaki kong Stuffed Toy. "At ngayong napasin ko na siya, Siya na ngayong ang Mortal kong kaaway. Walang tumatalo sa kin sa sarili kong laro." at sinuntok ko ang manika ng walang tigil hanggang sa ma oblirate ang higis nito. Tumayo ako sa kama at nag aral para bukas.

X--------x 

Kinabukasan. 

X--------x

Maaga akong pumasok para makapag review pa ako. Nakita ko na nandun na si Santi, may hawak n notebook ng first subject na eexamine namin.

"Goodmorning." ang sambit niya sa kin.

I just rolled my eyes at dinedma siya.

Maya-maya pa ay dumating n si Ayla.

"Goodmorning Cutie Phoebe!" ang bati sa kin ni Ayla.

"Goodmorning Ayla." i gave her a faded smile, I think she noticed that I'am still upset. She just put her bag in a chair in front of me and made her way to Santi.

"Ang kapal ng mukha mong magpasikat kahapon." Ayla said to Santi.

Hindi ko na sila nilingon, alam ko ipinagtatamggol lang ako ng sister ko.

"Anong sinasabi mo?" boses ni Santi, halatang takot.

Pak!

Sa lakas ng tunog napatingin ako sa likuran. Sinampal ni Ayla si Santi. Napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanila.

"Ayla, get a hold with yourself!" I exclaimed.

"This, This guy freaks me out! We should teach him a lesson!" Ayla said angrily.

Hinawakan ni Santi ang mukha niya, agad itong namaga.

"S-sorry Santi, hindi sinasadya ni Ayla." gusto ko siyang hawakan, pero hinawi niya ang kamay ko.

"Tama na." tumayo siya, "sa ginawa niyong ito, ipinakita niyo lang kung gaano kayo ka abusado at desperado." ang sabi niya at naglakad na siyang paalis.

"Dapat hindi mo yon ginawa Ayla." ang pangaral ko kay Ayla.

"Dapat lang sa kanya yun. Ang yabang niya ih, kulang pa nga yun kung tutusin." pagkasabi niya nun, umupo na siya. At ako, gusto ko n lang din kalimutan ang nangyari pero hindi kaya ng konsensya ko.

Palabas n ako.

"Kapg lumabas ka Phoebe, wag mo ng isipin na magkaibigan pa tayong tatlo nila Yuchi." ang sambit ni Ayla, natigilan ako at pimagmasdan si Ayla, pinipilit niyang huwag umiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin.

Lumapit ako sa kanya at kinalma siya.

"Kaw kasi padalos dalos ka." ang bulong ko sa kanya.

Nagbell na at simula na ng test, bumalik na si Santi sa classroom, dumating na rin si Yuchi at iba pa naming classmate, umagang umaga, intense n agad ang mga pangyayari, sana mataas ang makuha kong score. Nag recess n ulit, pero instead na room namin kainin yung mga nabili namin. Nakubinsi ko sila Yuchi at Ayla na kumain n lang sa canteen.

Half day lang kami ngayon. At as usual umalis n agad sila Ayla at Yuchi. At naiwan ako ulit para kausapin si Santi.

Nilapitan ko siya.

"Tama na Phoebe Angela, wag mo n silang pagtakpan." ang bungad niya sa kin.

"Santi, kaibigan ko sila at .." sinisimulan ko na magpaliwanag.

"Tama n sabi!" hiyaw ni Santi, nabigla ako at napaatras. "Parehas lang silang dalawa ih, mayaman lang pero walang kwenta." pagkasabi n pagkasabi ni Santi ay nasampal ko siya.

"Alam ko mali ang nagawa nila. Pero wag mo silang pagsasalitaan ng ganyan sa mukha ko, kaibigan ko sila, at hindi kita kakampihan. Sorry kung nasaktan ka nila dahil sakin. Pero masakit naman talaga yung ginawa mo, tinalo mo ako, at walang tumatalo sa kin." ang sabi ko.

"Ano?! So itong dalawang sampal ko ngayong araw ay dahil lang sa natalo kita ng summative test? Pathetic. Pathetic kayong tatlo dapat ngang magsama sama kayo!" ang sagot sa akin ni Santi.

Hindi ko akalain n sasabihin sa kin yun ni Santi. At hindi ko rin inakala na masasabi ko ang lihim kong hinanakit sa pagkatalo ko sa kanya.

Hindi ko n alam kung ano yung tama. Nabubulag n b ako ng pagiging gahaman ko na maging Number One?

"At tandaan mo Phoebe, tatalunin kita." at sabay lakad niya palabas.

The Lover and the Beast (an 'All Time Low' songs inspired series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon