Santi's Point of View
Recess n, ang dreaded time of the week, lumabas lahat ng classmate ko at naiwan na lang ako mag-isa, inilabas ko yung dala kong chocolate cake n pinabaon ni mama. Yun na lang ang kinain ko, kasi alam ko kapag lumabas ako, baka ma solo ako nila Yuchi at Ayla at nung iba pang mga duwag n sinusubok ang tapang sa kin.
Naubos ko n yung cake, at naalala ko yung scribbles ko na 'Ikaw'. Ibibigay ko ba sa kanya to?
"Minsan lang ako maging matapang." ang bulong ko sa aking sarili. At sinilid ko yung liham sa isang puting sobre at dali dali iting ipinatong sa lamesa ni Phoebe. Kumbinsido ako na tama ang ginawa ko, besides, she will never know that it was me.
Nakatingin lang ako sa labas, at bigla n lang ako inaantok, baliktad ata yung epekto ng cake na yun sa kin.
X-----------x
10 minutes later.
X-----------x
Nagising n lang ako na andun na si Phoebe, at yung dalawang sugo ng kadiliman. Pinagtatawanan nila si Phoebe, at nakatingin akong direkta sa kanila, pero focused ako syempre kay Phoebe.
Di ko sinasadyang makasalubong ang mga mata ni Yuchi, patay. Niyaya na niya si Ayla n tumayo at magtungo sa kinaroonan ko.
Kinakabahan? Hindi n. Hanggang nandyan ang lakas ko na si Phoebe, kaya kong harapin ang kahit ano.
"Hi Santi." sinisimulan n ni Ayla.
"Musta yung tulog mo?!" ang sabi ni Yuchi, at kasabay nito ang paglagapak ng palad niya sa lamesa ko. Oo, nagulat ako, pero pilit ko silang binalewala.
"Alam mo hindi ka namin nararamdaman at ang hina hina mo. Pa mysterious effect k pa jan? Ano? Emo? Sh*t!" nauubos n naman ang pasensya ni Yuchi sa pananahimik ko. Bigla niya hinatak ang bangs ko patalikod. Ngayon nakatitig n ako sa mga mata ni Yuchi. Wala akong nakikitang konsensya sa mga matang yon. Naririnig ko si Ayla na tumatawa, at nung akin pang inilibot ang paningin napansin ko si Phoebe, ang mata niya ay puno ng lungkot, hindi, awa.
Ayokong kaawaan niya ako. Kaya inalis ko ang pagkakahawak ni Yuchi sa buhok ko, at doon lalo siyang nagalit.
"Aba! Matigas n ang buto mo!" nag akto ng sasampalin ako ni Yuchi. I braced myself for the impact.
"Yuchi!"
Hindi dumating ang lapat ng kamay ni Yuchi, at ng iminulat ko ang mga mata ko, nalipat n yung atesyon nila kay Phoebe.
May naririnig akong footsteps, baka si Hall monitor Joseph yon." ang mahinahong sabi ni Phoebe.
Sumilip si Ayla sa labas at bumalik sa upuan niya, ganun na din si Yuchi.
Lumingon si Yuchi sa kin at binantaan ako.
Niligtas ako ni Phoebe. Yan ang paniniwala ko.
"Salamat." ibinulong ko na lang sa hangin.
BINABASA MO ANG
The Lover and the Beast (an 'All Time Low' songs inspired series)
JugendliteraturSi Phoebe ay isang pop na girl sa school nila, she is known to be the smartest and ever so kind. Pero despite of all the things Beautiful about her, may isang obsession siya that is ugly and lurking behind her angelic face. Si Santi naman ay isang...