The Next Best Thing

29 0 0
                                    

Kasama sa list of Cleaners si Phoebe ngayong araw kaya iniwan n siya nung dalawang siga.

Dapat hindi siya pinaglilinis. Masyado siyang maganda para mag mop at gumawa ng mga bagay kung saan mapapagod siya.

"Oh Pib hindi ka pa aalis? Yaan muna na yang mga kalat, mahal ng tuition natin tayo p yung maglilinis, Ayos!" sabi ng isa naming classmate.

"Oh sige, sunod n lang ako, aayusin ko pa yung mga gamit ko ih." ang sabi ni Phoebe.

Ng nakaalis na sila. Kaming dalawa n lang ni Phoebe ang natira. Kinakabahan ako sa presensya pa lang niya, kaya nag ayos na ako ng gamit at naghanda na paalis.

"Santi."

Tinatawag niya ako, kabado akong humarap sa kanya, hays, feeling ko nagbla blush ako, nakita ko na parang nagulat siya, ibig sabihin nagbla blush nga ako! I need to calm down.

Si Phoebe lang naman yan ih.

Si Phoebe na nagbibigay ng pag-asa sakin araw-araw.

Si Phoebe na kapag ngumiti, kahit hindi para sa akin ay nakakapagbigay liwanag sa buhay ko.

Si Phoebe na boses anghel.

Si Phoebe na, sshh, lalo lang akong kinakabahan kapag naiisip ko tong mga bagay na nagpapa alala kung gaano ko siya kagusto.

"Sorry pala," sambit niya. Oh, kinakausap niya talaga ako.

"Huh? Saan?" ang tanong kanya. Bakit siya nagsorry, kung tungkol to sa kanina, hays, iniligtas niya ako sa hagupit ng mga kaibigan niya, gusto ko siyang pigilan magsalita, pero natatakot ako na baka may masabi akong mali na sisira sa moment na ito. Kaya hinayaan ko na lang na siya ang mag drive ng eksena naming sana tumagal forever.

"Dun sa ginawa nila Ayla at Yuchi. Sorry talaga. Hindi ko nga alan kung bakit trip na trip ka nila. " at nginitian niya ako, hindi ko alam kung napapansin niya, pero sa bawat salitang umaalis sa mga labi niya, ako ay parang natutunaw.

"Hindi dapat ikaw yung nagso sorry, Phoebe Angela." ang sabi ko.

Tinawag ko ba syang Phoebe Angela? shucks, baka isipin niya na stalker ako! Palpak talaga, hindi n ako magugulat kung i cut niya agad ang usapan, nako. Settle n ako sa walang kibong araw araw. Sana wag niya na lang ako iwasan.

"Ahh, ehh, ahm, Kasi kaibigan ko sila, more like sisters, kaya ako n ang manghihingi ng despensa. Hays, sana tigilan ka lang nila, kasi ang plain plain mo naman, wala ka ngang angas sa katawan ih. Sorry talaga ah," ang sabi niya.

Ako. Plain.

Parang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Hmm. Hindi naman niya ako nakakausap palagi, paano niya nasabi kung ano ako. At malay ba niya n yung pagiging plain ko ang ayaw sakin nung dalawa. Nag oover think na ako.

Kung plain lang ang tingin sa kin ni Phoebe, malabong seryusohin niya ang presensya at,

Ako. Isasantabi niya lang ako kasi masyado akong plain.

Plain.

Plain crackers.

Plain rice.

Plain Salted.

Plain. Nothing special.

Kelangan kong agapan ang sitwasyon. Kung hindi, malabo ko ng mabago ang paningin niya sa kin.

Pero ano ba yung gusto ko?

Nagsasalita siya pero hindi ko na siya naririnig.

Ang gusto ko, mapansin niya ako. Bilang ako. Hindi yung plain n nakikita.

Pero pano?

"Ah, nagmamadali ka ba Santi, sige mauna ka na. Sorry ulit ah." ang sabi ulit ni Phoebe, sa pagkakataong ito, desidido akong malaman, kung paano ba ako mapapansinng isang anghel. tumalikod na siya sa kin at nagtutungo sa kinalalagyan ng kanyang bag.

"Paano ba hindi maging plain, Phoebe?" ang utal kong tanong sa kanya.

Sasagutin nya kaya?

Lumingon siya at napatingin. Tumitig sa kin. Nanghihina ako, gusto ko ng umalis, lumabas, pumunta kahit saan, malayo lang sa titig niya tumutunaw ng aking puso.

"Ah, Balewalain mo n lang yung sinabi ko, Phoebe Angela. Aalis n ako." hindi ako makahinga at nagnamadali ng umalis.

Halos patakbo na akong umalis sa aming classroom.

Yun na ang pinakamahabang pag uusap namin.

She had caught me offguard.

No.

She just stole my heart in the first place.

May Sumigaw.

Napalingon ako.

"Kapag natalo mo ako!"

Si Phoebe. sinabi niya yun ng nakangiti. Kasi imposible. Pero lahat gagawin ko para mapansin niya ako.

Ever since that day, nag aral na ulit ako. Fueled by the will for her to notice.

The Lover and the Beast (an 'All Time Low' songs inspired series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon