"Weird." ang sabi ni Ayla.
"Hindi ba dapat yung nararamdaman yung ilalagay sa letter? Bakit 'Ikaw' lang?" ang tanong ni Yuchi.
"baka kasi yung 'Ikaw' ang center ng universe niya?" ang sabi ko,
"Ikaw ang center ng universe nitong admirer mo." conclusion nila Yuchi at Ayla.
"Huh? Bakit?" biglaang sabi ko, hndi n ako nakapag isip ng reply ko, mapipilosopo ako nito!
"Malamang sayo kaya tong letter! Duh! Wala bang wee-fee (wi-fi) dito! Ambagal ni Phoebe!! Hihi" ang sanay n pagpapamukha sa kin nilang dalawa. Ang sabi n nga b ng isip ko ih, napatawa na lang kaming tatlo.
Binigay n ni Ayla yung letter sa kin at tinago ko na, lahat ng thoughts tungkol sa 'weird' letter n yun ay nakalimutan n. Usap kami ng usap.
"Hush." ang sabi ni Yuchi, at tumuro siya sa likod.
Si Santi. Kakagising lang ata. Nagstretching pa. Nagtinginan sila Yuchi at Ayla tumayo at pumunta kay Santi. Tinignan ko lang sila.
"Hi Santi." bungad ni Ayla.
"Musta yung tulog mo?" at hinampas ni Yuchi yung lamesa ni Santi.
"Bakit andito ka pa?" Ang malait na sabi ni Ayla.
Hindi sumasagot si Santi.
"Alam mo hindi ka namin nararamdaman at ang hina hina mo. Pa mysterious effect k pa jan? Ano? Emo? Sh*t!" ang pasigaw n sambit ni Yuchi, at nilagay niya kamay ang kamay niya sa medyo mahabang bangs ni Santi at hinatak to patalikod.
Tinanggal ni Santi ang kamay ni Yuchi.
Ikinagulat nila Ayla at Yuchi ang reaksyon ni Santi.
"Aba! Matigas n ang buto mo?!!" at sasampalinn sana ni Yuchi si Santi.
"Yuchi!" sigaw ko, tinignan ako ng masama nila dalawa.
"May naririnig akong footsteps, baka si Hall monitor Joseph yon." ang mahinahong sambit ko.
Oo tama, silang dalawa ang secret bully ng school namin. Si Ayla ay Anak ng isang syndicate boss, at si Yuchi ay kapatid ng isang yakuza.
Hindi ako katulad nila, pero kailangan kong makisama, kung hindi, malabo akong maging Number One sa school.
Alam ko dapat hindi ako nakialam, pero hindi ko ma take ang ginagawa nila. Sana walang magbago.
Sumilip si Ayla sa labas, at buti na lang nagdilang anghel ako kasi paparating n nga talaga ang hall monitor.
Umupo na sila Ayla at Yuchi sa tabi ko.
"Salamat, Phoebe." ang sabi ni Ayla.
Lumingon si Yuchi kay Santi. "May araw ka rin. Santi." ang banta niya.
Hindi yon ang unang pangyayari na nasaksihan ko n pangaabuso nila kay Santi. Hindi ko nga alam kung bakit galit n galit sila sa kanya.
Napawi ang tensyon ng mag bell n ulit. Second half of the day na.
BINABASA MO ANG
The Lover and the Beast (an 'All Time Low' songs inspired series)
Teen FictionSi Phoebe ay isang pop na girl sa school nila, she is known to be the smartest and ever so kind. Pero despite of all the things Beautiful about her, may isang obsession siya that is ugly and lurking behind her angelic face. Si Santi naman ay isang...