More than just a mark on my Sheets

29 0 0
                                    

Second day of exam na. Thursday.

Math, Science at T.L.E ang eexamin.

Binabagabag pa rin ako ng mga nangyari kahapon, nahalata ata yon ni Yuchi.

"Bakit Fluffy Phoebe?" ang tanong niya sa akin.

"Ah, ih," simula ko, "Wala Yuchi, kinakabahan lang ako sa exam."

Hindi namin sinabi kay Yuchi ang ginawa ni Ayla kahapon, buti na yon, baka lalo pang paginitan si Santi.

Na ngayon ay, mortal ko ng kaaway.

"Aysus naman Phoebe!" ang sabi niya at tinapik ang likod ko. "Ako nga ang dapat kabahan ih! Baka kapag hindi ko napasa to, mag re re take ako! Ayoko!" ang sabi sakin ni Yuchi. Napagaan niya talaga yung nararamdaman ko, at dahil dun mas na realize kong tama ang ginawa kong ipagtanggol sila.

Lumingon ako sa likod at tinignan si Santi, at nakatingin din siya sa kin, pero inilipat niya ito agad sa lamesa niya.

Yung tingin na yun ay parang may halong dismaya at ...

Panghihinayang.

Niluwagan ko yung kurbata ko dahil parang sinasakal ako ng tensyon.

Exam na, I managed to answer all the question correctly. Nakita ko sa mga mukha ni Yuchi at Ayla ang exhaustion, kahit ako napagod ih. Ang hirap talaga kapag periodical exam.

Sinilip ko ulit si Santi sa likod. Astig. Nakatingin siya ulit sa akin, he gave me a smirk. Shucks. Cool na cool siya.

Shucks.

Kelangan ko bang matakot?

"Sino tinitignan mo jan?"

Napatingin ako sa katabi niya na si Rapha.

"Ah wala." at tumalikod n ako sa kanya.

Lumapit siya sa sakin at halos nakapatong na yung baba niya sa balikat ko. "Wag ka matakot jan kay Santi. Kayang-kaya mo siya. Hee." ang bulong niya sa kin. Napalingon ako sa kanya at nagkasalubong yung mga mata namin. Malapit siya masyado sa mukha ko.

Ngumiti siya at inayos ang kanyang upo.

Tsk. Bakit ba hindi ako kinikilig sa kanya? I mean ang pogi pogi niya, pangarap ng mga babae, gentle man at super yaman! Wah! Dapat magka crush man lang ako sa kanya. Kapag naging kami. Wala ng makakapigil sakin maging Number One. Kahit pa si Santi.

Hays. Pero wala talaga ih. Mas na tu-turn off ako sa kanya kesa sa paghanga. Ang dami dami dami dami kasi niyang babae, and those girls, are not just ordinary. They are, what we call, the 'B' word. Tama lang ang bansag sa kanyang 'Dirty Playboy'.

Mamaya pa, pauwi n kami nila Ayla at Yuchi, nag aya kasi si Ayla na magreview sa kanila. Hindi talaga kami makakatanggi sa alok niya kasi nasa bahay daw yung mama niya, ang pinakamasarap magbake ng cookies sa buong mundo!

"Excited na ako sa Cookies ng Mama mo Ayla!" ang pa sweet naming sabi ni Yuchi.

"Cookies!?" may nagsalita galing sa labas ng classroom namin.

Si Ka-el ang maingay na fourth year student.

"May narinig ata akong nagsabi ng Cookies dito!?" ang tanong ni Ka-el, pumasok na siya sa classroom namin.

"Wala, guni guni mo lang yun senior Ka-el." ang sabi ni Yuchi.

"Ihhh narinig ko kayo ih!!" ang pilit ni Ka-el! "Siguro pupunta kayo sa bahay ni Ayla at dun kayo kakain ng masarap na Cookies no?" ang sabi pa niya.

"Tara na umalis n tayo girls, nag hahalucinate na ata si Senior Ka-el." ang sabi ni Ayla.

"Oo tama, alis na tyo, Senior na ata talaga siya kaya kung anu-ano yung naririnig." ang hirit ko.

"Wah! Wag niyo n ako paglaruan! Sama ako sa inyo!!" tumatalon na si Senior Ka-el. Pero dumiretso na kami palabas.

Bago kami tuluyan umalis, tumingin ako kay Santi na andun pa rin, kasama ng iba kong mga classmates. Kinakausap siya tungkol sa exam. Tsk.

Nagiging famous agad siya dahil lang sa Summative test?

Well, ibabalik ko siya kung saan sya nararapat.

The Lover and the Beast (an 'All Time Low' songs inspired series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon