"ahhhhhhh kasalanan nyo kase to bat nyoko dinamay!!!!!!" biglang sigaw ng babaeng to ng pagkarating namin sa MRF area lintik na basura to ang baho wala bang kumukuha araw araw nito? Nangangamoy tae dito pwe!
"Hoy babae wag kang maingay jan may kasalanan ka din kaya tumahimik ka at magsimula ng mamulot ng tae este basurang nakakalat"sabay tapon sa mukha nya ng sakong kinuha namin sa storage room
"Nautusan lang ako ni sir Casper bakit ako napunta dito" sambit ng pakialamerang dugyot
"Pakealamera ka kase edi sana hindi moko tinisod kanina at nakalabas kami wala ka sana sa sitwasyon na ito"dipensa ko
"Makaka ganti din ako sayo mokong ka!"
"Edi gumanti ka ano ha suntukan?? Pumapatol nako ng babae pag ikaw yung kalaban ko" pagtatalo ko
"Ah talaga ba? Kala mo naman ang laki ng katawan eh kalansay naman"
"Hoy! tumahimik nga kayong dalawa kung yang pagtatalo nyo lumala baka magka inlovevan pa kayo HAHAHAHAHAHAH" sigaw ng gagong Kent habang nasa tuktok ng tambak na sako ng basura na parang isang hari
"Yaks tong kaibigan mo? Muka nga tong asong ulol sa kanto na kumakain ng cellophane!" Pang aasar ng bwakang inang babae to sa gwapong mukha ko
"Excuse me miss? Nahiya yung outfit mong parang nasa panahon tayo nila Lapu-lapu HAHAHAHAHAHAHA" pang aasar ko pabalik
Magsasalita na sana sya pero nilagay ko na ang earphone ko sa tenga ko para di na marinig ang mga batbat ng babaeng ang weird ng outfit.
Napaka dumi ng damit namin pero kung i kukumpara sa babaeng to ay mas nagmumukhang basahan yung suot nya dahil sa maputik na lupa sa MRF area dahil umulan kahapon. 5:30 na ng hapon halos wala ng istudyante kase 5 pm yung out at natagalan lang kami kase nga tinapos pa namin ang lintik na parusa, si Kent ay umuwi na dahil may outing daw silang magpapamilya sabado naman bukas kaya makakasama sya, niyaya nga ako nun pero hindi na ako pumayag kase nakakahiya family outing tapos sasama ako ano ako dun ampon ng pamilya nila?
Papalabas na ako ng school pero dumaan muna ako sa canteen para bumili ng tubig na malamig ngunit sarado na,dumiretso nalang ako sa parking lot at pina andar na ang motor ko. Habang papalabas na ako biglang nag may nag text sa phone ko kaya binagalan ko pagpapatakbo ko, nag cocompose ako ng text kay papa na papauwi na ako natagalan ang pag uwi ko dahil may project pa kaming ginawa pero ang totoo ay may kagaguhan at naparusahan. I sesend ko na sana yung text ng nakita ko si pakialamerang babae na naghihintay ng masasakyan sa may hintayan sa labas ng school namin. Medyo madilim na at matumal ka makaka sakay pag Friday kase weekend na. Tapos wala ng mga sasakyang pumapasada ngayong oras dahil alam nilang wala ng sasakay dahil umuwi na ang mga estudyante
"Hoy babae!" Huminto ako sa harap nya
"May pangalan ako"
"Eh ano tatawag ko sayo di ko alam pangalan mo?"
"Hara, Adhara yung pangalan ko onggoy" habang tumitingin kung may masasakyan na paparating
"Edi hoy Hara! Wala kabang masakyan?" Tanong ko
"Malamang wala kita mo namang naghihintay ako diba?"
"Ahh sige bye" pinaandar ko na ang motor ko pero sinadya ko yun para asarin sya nung medyo mga 4 meters away na ako sa kinaroroonan nya ay balik ako
"Sakay kana" pag aaya ko
"Hindi na malas ng presensya mo nung unang nagkita tayo eh baka pag sumakay ako ma aksidente pa tayo sa kamalasan mo" pagtatanggi nya
"Bahala ka may mga manyak na dadaan dito gabi na at basa pa ang damit mo ngayon lang ako mabait sa katulad mo sakay kana"
Medyo nag dadalawang isip sya sa sinabi kong may manyak ditong dumadaan at tumingin ako sa langit at napatingin din sya medyo parang uulan na parang hindi. hinintay ko lang syang makapag desisyon at sumakay na din.
YOU ARE READING
The Stars In The Sky
Teen FictionAdhara Dela Vega has a auto immune disease typically Lupus disorder she suffers it and want to live her life to the fullest while she transfer to San Filipe National trade school she met Aster Sky Scott the boy with a wild life full of adventures bu...