Maaga akong pumasok lunes na ngayon at sa dalawang araw na walang pasok eh puros emel at paghilata sa kama lang ginawa ko nag lilinis din naman ako ng bahay pero wala namang lilinisin kase kami lang ni papa tapos si papa umaga lang kumakain sa bahay dahil sa trabaho na sya kumakain. Ako? Solve na ako sa kahit anong pagkain nagpapa food panda lang or nagluluto din ako sa. 5 taong nawala si mama natuto din akong gumawa ng mga gawaing bahay tulad ng pagluluto paglilinis at pag aalaga sa sarili at kay papa.
Minsan nga naiisip ko kung di kaya nawala si mama? Ano kaya ang buhay ko ngayon?
Papaakyat na ako sa second floor dahil dun ang classroom namin iisang building lang lahat ng senior high school sa unang floor ay mga Technical Vocational education tapos kaming mga Academic ay nasa second floor.
Second sem na ngayon at kaya pala biglang napadpad si Hara dito sa School namin. Siguro hinintay nya lang mag second sem para maka transfer dito.
Bago ako makarating sa classroom namin ay naisipan kong sa kabilang hagdanan ako dadaan para makita ko si Hara kase kung sa kabila ako dadaan eh diretsong classroom ako pero kung sa kabila naman ay madadaanan ko ang GAS section sunod ay ang HUMSS sunod naman ang ABM bago STEM na classroom napapagitnaan lang ng ABM yung section namin ni Hara.
Pagdaan ko sa HUMSS ay nakita ko si Hara nasa pinaka likod walang kausap at nakatutok lang librong binabasa. Siguro dahil nga transferee kaya wala pang naging kaibigan.
"Mr.Scott please answer the solving in number 3 without using any paper to use!" Sigaw ng teacher namin sa General mathematics dahil nakita nya akong pinapakyuhan si Kent na nasa kabilang banda ng inuupuan ko pinag hiwalay kami ng dahil sa issue ng pag cecellphone nung nakaraang friday.
"Ahh wait ma'am" pero sa totoo lang kabado ako dahil utak lang gagamitin ko dahil di ako pwedeng mag solve sa papel pero nakuha ko rin naman ang answer with in 2 minutes.
"Ma'am 39.5" pag aalangan kong sagot dahil di ako sure sa sagot ko
"39 only sky walang .5 muntik na still wrong" sabay irap sakin ng matabang teacher namin sa gen.math
"Atleast .5 lang " bulong ko
"What are you saying mr.Scott?" Biglang napalingon ako at nautal
"Me..may I sit naba ma'am?"
"You may sit and stop doing weird things in the back matalino ka sana kulang lang sa aruga" sabi ni ma'am na napatawa ng bahagya ang mga classmates ko
Break time na at kami ni kent ay dumeretso sa canteen kung anong kinakain ni kent yun nadin yung akin kaya sya yung pina pa linya ko para mamili ng break namin ng naka kuha na kami ay naghanap kami ng mauupuan saktong nakita ko si Hara sa pinaka gilid at walang kasama
"Pre pre dun tayo kay Hara bakante yung upuan nya " sabay turo gamit nguso ko
"Sige pre pagtripan natin"
"Hi Hara! Anong binili mo?" Sabay lapag no Kent ng pagkain nya sa table
"Bulag kaba?" Sabi ni Hara habng hindi tumitingin samin
"Ouch grabe ang harsh mo talaga no nasaktan mo ang heart ko" habang nakahawak si kent sa may dibdib nya
"May mata ka naman kita mong ano kinakain ko magtatanong kapa" seryoso parin sya
"Marami namang ibang pagkain dun baket yung prutas kinuha mo?" Sabi ko habang papaupo sa harapan ni Hara tabi kami ni Kent
"Kayo ba kakain? Nakikiupo lang kayo nangengealam pa ng pagkain ng iba" pikong sabi ni Hara saby irap samin
"Ang highblood mo naman madam relax kalang bilhan kita ng tubig wait" tayo si Kent at pumunta sa pila para maka bili ng tubig
"Oi bat ang sungit mo bait bait mo nung magkasama tayo nung friday sa inyo ah moody yarn?" Sabay tawa ng konte
YOU ARE READING
The Stars In The Sky
Teen FictionAdhara Dela Vega has a auto immune disease typically Lupus disorder she suffers it and want to live her life to the fullest while she transfer to San Filipe National trade school she met Aster Sky Scott the boy with a wild life full of adventures bu...