Chapter One

130K 2.4K 86
                                    

Chapter One

            “PLEASE… don’t.” bulong niya habang dahan-dahang hinuhubad ng lalaki na hindi niya maaninag ang mukha ang suot niyang pang-itaas. Gusto niyang itulak ito pero hindi niya magawa dahil nakatali ang magkabilang kamay niya headboard ng kama. Masakit ang kanyang ulo at pakiramdam niya ay malapit na siyang panawan ng ulirat sa sakit sa ulo niya, she can’t point out what part of her head is aching.

            “Please huwag mong gawin ito hindi ako katulad ng iniisip mo pakiusap.” Tuluyan ng tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya kayang pigilan pa ang takot sa puso niya. Huminto ang lalaki at tumitig sa kanya akala niya ay hihinto na ito pero hindi dahil nakita niya ang kakaibang ngiti sa mga labi nito na para bang hindi naniniwala sa sinasabi niya. Bagkus ay pinunit nito ang kanyang suot kaya napatili siya ng malakas kasabay ng pagdilim ng kanyang paningin….

 

            “Chloe!” Napamulat siya ng mga mata ng may marinig siyang tumawag sa pangalan niya. Bigla siyang napahawak sa kanyang ulo habang pilit na inaaninag ang lugar kung saan siya naroroon ngayon. Ganoon nalang ang relief niya ng malaman na nasa loob siya ng kanyang silid at maliwanag na. “Gising ka na ba anak?” nakita niya ang kanyang mommy na siyang nagbukas ng kurtina sa kanyang bintana. “Good morning my princess.” Umupo ito sa tabi niya at saka hinalikan siya sa kanyang noo.

            She blinks her eyes so many times dahil namamasa na naman iyon, it’s not that she is overly dramatic hindi lang kasi siya sanay na inaalagaan siya ng kanyang mommy. Alam naman niya na mahal siya ng kanyang mommy pero nasanay na kasi siya na hindi ito pumapasok sa kanyang silid kapag umaga at hindi siya hinahalikan sa noo mula ng malaman ng mga itong may sakit sa puso si Caleb, that was twelve years ago when they were sixteen.

            Hanggang sa natagpuan siya ng mga ito sa isang hospital sa isang liblib na probinsya kung saan wala siyang maalala hindi siya nito muling papasukin sa silid niya upang batiin ng good morning.

            Hindi siya agad nakapagsalita habang tinitigan ang mommy niya ay naaamaze pa rin siya sa ganda nito. Yes she ages but she ages beautifully, her mom is petite kaya kapag magkasama sila ay napagkakamalan itong kapatid niya. Nagmana kasi silang dalawa ng kapatid niya sa daddy niya, her dad is well-built man doble ang laki sa mommy nila. But her dad love her mom too much that she envies her mom.

            “Maligo ka na at ng makapagbreakfast na, you still have to go to work.” Her mom was an architect and neither she nor her brother decided to take the throne. Nakakatawa nga eh dahil iyong pinsan niyang si Xyler ang naging architect habang iyong mommy naman nito ang designer at siya ang naging designer instead. Baka daw nagkapalit sila ng mama.            

            Dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa kanyang kama, she stretched her arms and then she tried to remember the dream she have a while ago. Hindi niya alam kung bakit pero iyong mga panaginip niya ay hindi na niya naaalala kapag nagigising siya and its bugging her. Ibinalot niya ang kanyang sarili sa robang nakalapag sa tabi ng kanyang kama at dahan-dahang naglakad papunta sa kanyang banyo. Nagpaalam na ang mommy niya na bababa na ito dahil aasikasuhin pa daw nito ang daddy nila, knowing her dad magsusungit iyon kapag hindi nakita ang mommy niya.

            Today is a very important day of her friend’s life, humarap siya sa kanyang salamin at napangiti sa kanyang sarili. Zyrene will have her happy ending today dahil ikakasal na ito sa lalaking mahal nito at mahal din nito, siya na ang gumawa ng wedding gown ng kaibigan niya. Zyrene doesn’t know na ikakasal ito ngayon dahil mamaya pa rin magpopropose si Heinz. So much for one day, kung siya okay lang dahil sa matagal na niyang nadesign ang mga wedding gowns ng kanyang mga kaibigan just out of fun kaya kaunting finishing touches nalang ang kilala niyang mas ngarag ngayon ay si Ainsley. Alam niyang medyo stress out ito ngayon dahil sa mabilisan as in super rush na pag-aasikaso nito sa kasal ni Zyrene. She’s an event organizer by the way.

ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon