Chapter Nine-A
"Rye, nasaan ka na ba?" kumatok siya sa silid nito pero walang sumasagot kaya napilitan siyang buksan ang pintuan ng silid nito. Hindi nab ago sa kanya ang lugar na iyon dahil ilang beses na rin siyang naglabas-masok doon. Simula ng tumira na siya sa bahay nito ay sa kabilang silid siya tumutuloy. "Rye, pahiram ng sinulid." May nakita kasi siyang tela sa drawer niya at gusto niyang gumawa ng mga bagay-bagay gamit ang telang iyon.
Kanina pa nangangati ang mga daliri niyang humawak ng lapis at papel pati na rin ng sinulid at ng karayom. She wants to sew.
Hindi niya natagpuan ang lalaki kaya maghahanap nalang siya sa cabinet nito ng sinulid at karayom. She opened the larger closet unfortunately pawing mga damit lang nito ang nandoon. She opened the drawers pero talagang wala hanggang sa maisipan niyang akyatin ang pinakatuktok ng cabinet. May isang antigong box na nakatago doon na tila ba kinalimutan na ng panahon. Nacurious siyang bigla kaya kinuha niya ang bagay na iyon. Sa tagal ng kahon malamang hindi naman mapapansin ni Rye kung hiramin na muna niya. Malakas lang talaga ang kutob niya na mahalaga ang laman ng kahon. Mabilis siyang lumabas sa silid nito at pumasok sa kanyang silid. She even locked it at saka tiningnan ang kahon.
Malakas ang pakiramdam niya na ang laman ng bagay na iyon will break or make her, nakaramdam siya ng takot pero malakas ang pakiramdam niya na kailangan niyang malaman ang laman na iyon. Rye didn't tell her everything about his family, tahimik lang naman ito at kung hindi niya kakausapin ay hindi din ito magsasalita.
Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang lid ng kahon at dahan-dahang binuksan iyon...
"YOU look lovely my little fairy." Ngumiti lang siya sa daddy niya ng salubungin siya nito ng bumaba na siya ng kanang silid. Kung hindi pa siya kinatok ng mommy niya ay hindi pa talaga siya lalabas, she doze off again. Iyong pakiramdam na kkahit na gising ka ay parang tulog pa rin ang diwa mo at hindi mo na maalala ang lahat ng naisip mo.
Mukhang kailangan na niyang pumunta ulit sa doctor niya, dati hindi naman gaanong importante sa kanya kung maalala niya o hindi ang mga nawala niyang memorya dahil akala niya kusang magbabalik iyon. Pero ngayon, iba na gusto na niyang malaman kung ano ang nangyari. The doctor said nawala ang alaala niya dahil sa pagkakabagok ng kanyang ulo, it's a fatal blow that it affects her brain. Nalilito na siya.
"You spaced out again sis." Untag ni Caleb sa kanya.
"I'm okay." Agad na sagot niya.
"Don't think too much." Hinawakan ng kakambal niya ang kanyang braso at iginiya papasok sa kotse nito.
"Aren't you going to fetch someone to be your date tonight?" she asked.
BINABASA MO ANG
ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)
Short StoryTeaser: She was lost, there are dreams haunting her every night. Dreams that she can't remember when she wakes up, everything is chaotic. And it seems like a big part of her life is missing and she can't point out what is it. She even end up crying...