Chapter Eight-B
"HANGDAYA talaga!" nailing nalang siya sa reklamo ni Diana. "Ang daya talaga kapag designer ang daming outfit."
"Oo nga! Nakakainis, nakakasar!" at sinamahan pa ni Monique, nagkampihan ang dalawa ngayon. Nanahimik lang siya habang sino-sort out ang mga ipapamigay nilang mga goodies sa mga tao sa barangay sa Tarlac na ifinund nila ang isang medical mission.
"Iscotch tape mo nga ang bibig ng dalawang iyan halatang bitter na bitter eh." Natatawang utos ni Georgette kina Diana at Monique.
"Hindi kami bitter no, ano ba kasi ang araw na ito? Hindi ito fashion show kundi medical and volunteer mission. Bakit ang sexy ng isang diyan nakakaasar." Naiinis na reklamo ni Monique.
"Truelili," sang-ayon ni Diana. Pasimple niyang tiningnan ang sarili, actually she's almost late kanina kaya kung ano ang unang nakuha niya sa closet niya ay ang unang isinuot niya. May suot naman siyang jacket kanina kaya lang sobrang init kaya napilitan siyang hubarin din iyon. She is wearing a baby pink midriff na saka lang niya napansin na hapit na hapit pala sa kanya. Kitang-kita ang ibabaw ng kanyang dibdib at denim shorts at sneakers. Kapag naging okay na ang init ay saka na niya ibabalik ang jacket niya dahil revealing na nga ang suot niya.
"Focus sa trabaho girls." Utos ni Ainsley na nakaupo lang naman na hawak ang deathnote nito.
"Bakit kaya hindi ka nalang tumulong dito?" tinaasan ni Monique ito ng kilay.
"I'll write your name in my deathnote at saka hindi ako pwedeng magpaaraw." Iminwestra nito ang suot nito. Ainsley is wearing reddish black inner sleeveless top and a leather black jacket and leather jeans and a pair of black leather boots. Nakasunglass at itim na payong, iba talaga ang trip nito baka sa susunod na taon ay maging minion naman ito o kaya naman ay kung anu-ano na ang theme nito. Kailangan may magstop na sa kabaliwan ni Ainsley or else matutuyuan na ng dugo ang tita Belle niya.
"Hindi ka bampira nagpapanggap ka lang ng bampira at kahit maarawan ka hindi ka mauupos na parang kandila." Asar na dinagukan ito ni Karylle.
"I'm not hurt, hindi nasasaktan ang mga vampires." Anito pero pasimple namang hinimas ang ulo nito. "But I'll write your name in my deathnote- on the other hand since you are my sister kaya pangalan nalang ng kuya mo ang ilalagay ko." Ngumisi ito at isusulat na sana ang pangalan ni Hendrix ng may umagaw ng ballpen ni Ainsley. "Hey!"
"You can't write my name in this notebook." Natawa siyang bigla sa naging reaksyon ng mukha ng kapatid ni Karylle. Nagsidatingan na rin ang mga lalaking alalay ng mga sisters niya.
BINABASA MO ANG
ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)
Short StoryTeaser: She was lost, there are dreams haunting her every night. Dreams that she can't remember when she wakes up, everything is chaotic. And it seems like a big part of her life is missing and she can't point out what is it. She even end up crying...