chapter 1

0 1 0
                                    

Chapter 1

"grabe kinabakabahan ako" si Meg habang papaupo kami sa upuang naka assign para samin.

It's Kyoko's birthday. Miski ako kinakabahan kasi puros mga makapangyarihang tao ang makakasalamuha namin dahil si Kyoko ay galing sa political family.

Parang out of place kami sa lugar na ito kung totoosin dahil halatang sophisticated at may ibubuga ang mga imbitado.

Her birthday is held in Elfisher kaya napaka inggrande.

Si Kyoko ay  anak ng Governor kaya hindi talaga maiiwasang makita namin ang mga politicians, kanina nga e nakita ko ang mayor at ang pamilya nito.

Meron ding mga business man dahil ang mommy ni Kyoko ay Isang businesswoman.

"umayos kayo kung pwede lang ha! Boys please lang mag behave kayo kahit ngayong gabi lang at kung pwede lang Aki at Chucky wala munang bangayan ngayon at kung maaari ilayo niyo ang mga sarili niyo sa isa't isa" pangaral ni Meg.

Sa aming magkakaibigan siya ang taga control lalo na sa boys,takot nga ang mga yan kay Meg. Takot lang nilang makatikim ng sipa at sapak dahil Taekwondo black belter iyang si Meg at nakakatakot nga naman kapag seryoso ang Isa.

"Sure at kahit hindi mo sabihin yun meg mag papakabait talaga ako dahil matagal na akong mabait" nakangiting sagot ni Matt showing his complete set of pearly white teeth.

"Ako din mabait din ako Meg tanging si Chucky lang naman ang pasaway dito e saka yang si Aki napaka kukit" si Kyzer na ikinakunot ng noo ni Chucky at Aki.

"Aba! ang kapal naman ng muka mo"

"gago! walang ganon"

sabay na sabi ng dalawa at binatukan pa nga ni Aki si Kyzer dahil malapit lang ito sa kanya.

" napaka amazona mo talaga kahit kailan, kaya hindi ka nag kakaboyfriend e." Sabi pa ni Kyzer habang hinihimas ang ulo sa bahaging binatukan ni Aki.

"Hoy! For your information, madaming nanliligaw sa'kin sadyang choice ko lang na hindi mag boyfriend" pagyayabang pa ni Aki. Pag talaga magkasama ang tatlong yan sasakit ang ulo mo, parang mga bata!

"That's enough, you're all making a scene" nagtitimping ani ni Meg at bibigyan sila ng matatalim na tingin napangisi nalang ako dahil umupo sila ng tumuwid at hindi na umimik pa.

Pinagtitinginan na kase kami ng mga guest at totoong nakakahiya yun.

Natahimik ang lahat nang pumunta na ang host sa harap at ipinakilala si Kyoko.

Napakaganda niya ngayong gabi nakakaproud na kaibigan ko siya.

"KAIBIGAN KO YAN!" napatingin ang lahat sa table namin dahil ang walang hiyang si Chucky ay sumigaw.

Napayuko ako dahil sa kahihiyan, minsan talaga may pagkakataon na nagdadalawang isip ako kung bakit kaibigan ko ang isang yan.

May ibang natawa at iba ay nawiwierduhan sa amin

Kinakahiya kita Chucky!

"Hindi ko kilala yan" si Aki na katabi ni Kyzer at nagtabon pa ng muka.

Matapos ang pagpapakilala ay hindi pa muna nakapunta si Kyoko sa amin dahil inaasikaso niya pa ang mga guest niya.

Kumakain nadin ang mga kaibigan namin at dahil nauuhaw ako e pumunta ako sa buffet table.

Pagdating ko sa drinks section ay  may lalaking kumukuha ng juice, agad naman akong pumila sa likuran niya.

Matapos niyang mapuno yung baso e nagulat ako ng bumaling siya sa akin ng nakangisi.

"want some?" tanong nito.

Stop the Chase Wild FlowerWhere stories live. Discover now