chapter 7
Ang sinabi kong una't huling hatid nila sa amin ay isang napakalaking scam dahil matapos ng ilang buwan ay naging madalas ang pagkikita nila Shandara at ng kaibigan ng engkantong kabute tuwing lunch at vacant namin.
Dahil simula ng nagkita kami noong nakaraan sa Ayala e nagbigayan pala ang dalawang haliparot ng number at socmed acc. At dahil si Shandara ang paligi kong kasama e kasama din ako tuwing lunch sa kung saan man sila kakain na kasama din sila Kairo at mga kaibigan nito.
Dalawang buwan na akong nayayamot sa pagmumuka nang mga taga eleceo at hindi ko nalang maipagkakailang naging malapit narin ako sa mga ito.
Si Kairo ay walang pinagbago at nilalandi parin ako at walang mintis yun! nakakairita na pero may parte sa akin na alam kong hindi na magandang palalain pa.
Alam ko kung anong lalaki siya. Isang napakalaking walking redflag siya ng Bacolod, at kung maaari ay hindi ako dapat mahulog sa tulad niya dahil alam ko naman kung saan ang bagsak ko kung magpapauto ako noh.
Mabuti nalang at hindi ako uto uto at wala talaga sa schedule ko ang landi kaya dedma lang siya.
Kaya dapat na iwasan ko na siya dahil hindi siya pwede sa schedule ko. Hindi niya ako madadala sa ngisi,kindat at matatamis na salitang ubod naman ng baduy."sweetie" agad na sumimangot ang muka ko dahil sa boses na nanggagaling sa likuran ko.
Palagi siyang ganyan akala niya naman e madadala ako dun.
Hindi ko na pinansin at patuloy na sumubo ng ice cream habang abala sa kung anong chismis ngayon sa twitter at kausap ko ngayon yung barkada sa gc.
Napag planohan namin na mag outing dahil patapos na ang midterm kaya dapat kaming mag enjoy at deserve naman namin yun.
Mahilig kaming mag roadtrip at pumunta sa beach, mahilig din si Chuckie sa hiking kaya sumasama din kami kung meron kaming time.
Genebra Mojito's convo
Aki: ano san tayo?
Chucky: anong tayo? walang tayo.lol!
Aki: ha ha ha funny mo naman lods
Chucky: ikalma mo ako lang to
Aki: bobo mo naman.
Chucky: boboo ng buhay mo.
Chucky:ayiee keleg ka kana nyan.
Aki: gag* ang corny mo boi!
Kyzer: muling ibalik ang tamis ng pag ibig ~~~
Aki: 👍
Chucky: walang ganon gag*
Meg: kung wala kayong masabing matino pwede
ba shut up nalang kayo!Matt: Friday night dapat ready na lahat malayo
ata yung resort mga 5hrs yung byahe.We'll be going to Campoquino Bay Beach Resort.
Nasa sipalay ito at part nang Negros kaya dun namin naisipan dahil madaming magagandang beach dun hindi tulad dito sa Bacolod na meron ngang dagat pero hindi ko bet liguan.Campoquino Bay Beach Resort yung napili namin
dahil gusto nilang mag camping lalo na si Chucky at most recommended din kase ang resort.Meg: Thursday palang epack niyo na yung
dadalhin niyo, dahil kung late kayo
wala akong pake dahil iiwan kayo namin.Aki: Grabe meg kaya mo yun? parang di kaibigan
ah. Ang others naman.Meg: Pake ko?
Talie: noted. be ready ha bahala kayo kung
naiwan man kayo problema niyo na yun.Chucky: Si Aki lang naman ang maiiwan kaya
problema niya yun HAHAHAHA"I'm getting. jealous" Pag paparinig ng lalaking nasa harapan ko lang naman at kumakain ng ice cream. "you're smiling while typing, whose that sh*t?" tanong niya at nakanguso pa habang kagat ang spoon ng ice cream.
"wala ka na dun" at inirapan ko siya bago ko pinagpatuloy kainin yung mango graham ice cream ko.
"I'm jealous. I'm here naman so bakit naghahanap ka pa ng iba?" nakakunot ang noong nakatingin sa akin na para bang batang inaway.
Palagi siyang ganyan at inaamin kung cute talaga siya pag ginagawa niya yan pero ano bang pale ko? e sapagkakaalam ko babaero siya.
"pinagsasabi mo? inom ka tubig o baka naman kulang ka sa tulog" Sabi ko dito at hindi na dapat siya papansinin.
"I like you Talie kaya natural na magselos ako." diretsahang sabi niya at seryoso.
Napatigil at sa ginagawa ko at nasalubong ko ang seryosong pares ng brown niyang mata.
Mga matang nakakalunod at kung saking madala ka ay hindi ka na makakaahon pa. Ako ang unang nagbaba ang tingin at hindi na umimik."I'm jealous na nakakayang tumaw sa iba tapos sa akin palagi kang nakasimangot at nagsusuplada. Well, I find it cute naman pag naiinis at nagsusungit ka pero mas magusto kung makita na ngumiti ka ng dahil naman saakin"
Parang tambol na naman yung puso ko at nanginginig na naman yung mga kamay ko at pati balahibo ko ay tumindig din. Ano bang ginagawa ng engkantong ito sa sistema ko?
"You're not manghid para hindi maramdaman na gusto kita Talie. Just give me a chance and I'll make you believe that I'm different from what you think I was."
Masyado na ba akong sumobra?
Dapat ko bang bigyan ng change ang lalaking ito?
Alam ko ang reputasyon niya pero nakikita ko kung gaano ka sincere nang mata niya."I'm sorry kairo but I'm not ready to take a risk for now." I don't know what to say kaya ayun ang nasabi ko.
I know to my self na hindi pa ako ready at dahil nadin nangako akong aral muna. I don't have time for that kind of stuffs.
Hindi ko alam kung sakit ba ang nakikita ko sa mga mata niya pero playboy siya baka naman niloloko lang ako nang kung anong meron sa mata niya.
Tumango tango ito at nailing "yeah, right." sabi niya at ngumisi.
Matapos nang usapan naming iyon ay hindi niya na ako kinausap pa hanggang sa ihatid nila kami.
Hindi ko mahuma kung bakit kumikirot yung puso ko. Dahil ba sa pagreject kay kairo? o baka naman guilty lang ako sa nangyari.
"Hoy! anyare sayo?" nagtatakang tanong ng bruha at kinalabit ako.
Hindi nila alam ang nangyari dahil magkaiba ang table namin kanina at tanging kami lang ni ki kairo ang nakakarinig sa palitan namin ng salita kanina.
Ang bigat ng loob ko at mula kanina hanggang matapos ang klase ay napapabuntong hininga ako.
"wala"
"may nangyari ba kanina? si Kairo parang wala di. sa mood nung hinatid tayo e" Sabi niya at parang nag iisip. Nakakaramdam din pala siya akala ko ay puro landi lang ang alam niya e.
"sinong hindi mawawala sa mood e masyado kayong malandi ni Blake para sa mga mata namin" sagot kung may halong sarkasmo at nagpatuloy nang kumain sa kikiam ko.
"bat kase di mo jinowa yung si Kiaro gusto ka naman nun e para naman 'di ka bitter jan" sarkastikong sagot din niya at inom nung gulaman.
"Ayoko nga. Hindi naman uto uto Shandara para mahulog dun" Sabi ko at dinuro siya na ikinailing niya at sinabing.
"bahala ka jan Talie pag may nakita nang iba yun Iwan ko nalang sayo, bye alis nako" iling niyang saad at bumeso sakin para umalis.
Ano naman ngayon kung makakita siya ng iba?
Anong pake ko?
Pero bakit parang may kumirot sa puso ko ng sinabi ni Shan yun?

YOU ARE READING
Stop the Chase Wild Flower
De TodoNeftalie Khin Alvarado the not so typical girl that everyone knows. She's different from the most. Wala sa schedule niya ang landi dahil hindi na daw ito pweding maisingit sa schedule niyang aral. aral. aral. She's consistent..... Not until her path...