chapter 3

0 0 0
                                    

Chapter 3

Dahil sunday ngayon restday nila mama.
Kaya nang magising ako nasa dining silang lahat at ako nalang ang hinihintay.

"morning" bungad ko ng maka upo at kumuha ng pancake at nilagyan ng chocolate syrup.

"sino ang naghatid sayo kagabi? wala yung driver natin dahil nanganak yung asawa niya, nag grab ka?" tanong ni mama habang kumakain.

I remembered na hindi na pala ako nakakatok sa kwarto nila mama dahil sa pagod at dumiretso na sa room ko para makapaglinis ng katawan at natulog.

"A friend ma" sagot ko.

Ayokong sabihin na si Kairo dahil mahabang usapan na naman ito.

At oo nga pala, about sa sakit ko sa puso.
Kailangan nilang malaman ito.

"ma,pa. mukang kailangan ko po ng check up" napatingin sila mama sa'kin at nakakunot ang noo.

"bakit?" tanong ni mama.

"meron po ata akong sakit sa puso ma." pagpapaalam ko.

Agad na nanlaki ang mata ni mama at napahinto si papa sa pagbabasa ng dyaryo.

"bakit? anong nangyari?" nag aalala tanong ni papa.

"Kase nitong nakaraang araw napakabilis ng tibok ng puso ko pa, tapos wala naman akong ginagawa, yung tibok ng puso ko yung parang hinabol ng aso sa kanto na sobrang kinakabahan"

Nawala na ang kunot ng noo ni mama at bibigyan ako ng 'seriously Neftalie Khin? look'

Habang si papa ay natawa naman.


Ako naman ang napakunot ang noo.

Hindi ba sila nag aalala sa'kin.
Why are they taking it lightly? :<

"ma,pa. I'm serious" naiinis kong sabi.
"wala man lang kayong say? ha! pano kung may taning na pala ang buhay ko? pano kung huling oras ko na to? pano kung stage 4 heart failure yung sakit ko?" nahuhuramintado kong asad at naiiyak pa.

Dumagundong pa ang tawa ni papa at si mama ay natawa narin.

Seriously? Are they really my parents?
Parang di pamilya ha!
Di manlang sila concern at nakuha pa akong tawanan!

"sigurado ka bang sakit sa puso yan Talie?" natatawa pang tanong ni papa.

napaismid nalang ako at tumango.

"Malayong mayo sa sakit sa puso iyang sinasabi mo sa'min Talie, hindi sakit sa puso yan, saya sa puso siguro, oo." si mama.

Saya sa puso? muka ba akong masaya mama?

napabuntong hininga nalang ako.

"You're making it like a joke" nakanguso kung saad  at kahit paborito ko ang pancake ay nawala na ang gana ko.

"hindi ba yun joke?" tanong ni papa at natatawa pa.

"sign yan na may gusto kang tao" pagkumpirma ni mama.

Ako naman ang napatingin sa kanya at nagbigay ng ' seriously Anna Talima Alvarado look'

"ma, pwede ba wala naman akong nagugustohan at saka that's impossible" pagkontra ko.

"Well, Neftalie Khin the way you discribe kung anong nararamdaman mo is the symptoms na may nagugustohan kang tao." sagot niya.

Sino naman ang taong Yun?

Basta ang alam ko wala akong nagugustohan ngayon.

Hindi na ako sumabat pa at ng matapos silang kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko.

Stop the Chase Wild FlowerWhere stories live. Discover now