JESSYREE'S POV
“JESSSYREEEEEEE!!" Ay anak ng tokwang maganda tulad ko.
“Ano bang problema Krystal Jung?!!" Sigaw ko rin pabalik. Aba di pwedeng siya lang sisigaw eh no? Kakapasok ko pa lang sa room namin sigaw agad abot ko?
“KWENTO NOW NA!!” sigaw niya pabalik ule. Sabi na eh, pagkukwentuhin na naman ako neto eh.
“Ano namang e kekwento ko?" Sagot ko sabay halumpasay sa desk ko. Di pa nga ako nakamove on sa nangyari kahapon eh. Agad niya naman akong binatukan sabay tingin ng masama sa akin.
"Sabi ko nga magkukwento na eh." Sabi ko naman at nag kwento na, katakot kaya siya magalit dinaig si Erza ng Fairy Tail.
"So ikaw date ni SEHUN?!!!" sigaw niya kaya nagsitinginan naman lahat ng kaklase namin sa kanya--rather--sa amin pala. Pahamak na bobwit talaga oh.
"So si Jessyree ang date ni Papa Sehun?"
"Noo!! Ako lang dapat eh."
"Sus! Mga assumera talaga. ASA namang yayayain siya ni Sehun."
"Hindi nga siya pinapansin ni Sehun eh."
"May crush kasi siya kay Sehun kaya ganon kung mag assume."
"Malandi na nga feelingera pa. Double powers ah?"
"Like duh! Ang pangit niya kaya mas maganda naman ako sa kanya kaya alam kong ako ang yayayain ni Sehun at hindi ang commoner na tulad niya."
Aray ah? Sobrang sakit sa ego ko yon. Malay ko bang ako ang niyaya ni Sehun at hindi sila? Palibhasa wala sila nung niyaya ako ni Sehun kaya hindi sila naniniwala. Tsk. Tinawag pa akong malandi eh ako na nga tong lumalayo sa putanginang yon tapos ako pa ngayon?
"Mahiya nga kayo!! Magbubulungan na nga lang dinig pa ng buong unibersidad!! Ikabubuhay niyo ba yang kakachismis niyo ah?!! Palibhasa mha inggitera eh!! Eh ano naman ngayon kung si Jessyree nga ang niyaya ni Sehun at di kayo?! Mga bobo!! Inggitera!! Di kontento!! At kayo ang feelingera!! Maganda kayo ha?!! Buhusan niyo kaya sarili niyo ng mainit na tubig ng magising sa katotohanan!!" Sigaw naman ni Krystal kaya nagsitahimik sila pero may ilan pa rin na nagbubulungan.
BINABASA MO ANG
His Secret (Completed)
Vampire"I never thought that, being in love with you would change my view of this world." -Jessyree Park -&-