HS 14.

1.1K 40 0
                                    

JESSYREE'S POV

"Aidou-san!!" Sigaw ni Yeol at Suho sa lalaking di ko kilala. Papunta na kaming gym ngayon and to tell you we are still wearing our formal attires.

Come back to me alive. My daughter. Daughter? Diba anak na babae yun sa Tagalog? Wala na bang ibang meaning yun? T-talaga bang a-anak ako ng bampira? P-paano?

"Aray.." Sambit ko. Napabalik tuloy ako sa realidad.

"Kanina ka pa wala sa sarili mo kaya kita nabatukan. Salita ako ng salita dito tas di ka pala nakikinig." Sabi ni Yeol. Tsk.

"Anong kailangan mo Yeol?" Tanong ko ng malumanay.

"Okay na daw silang lahat yun nga lang tulog pa tapos si Krystal dinala ni Ruka-san sa White Village for good. Antanga ko kasi, bat ko ba siya kinagat?"

"Yan lang ba?" Tanong ko. Tumango lang naman siya.

"Ay meron pa pala. Yung mga tao kanina, inerase na nina Seiren-san ang mga memories nila kaya wala ng problema." Patuloy niya. Tumango lang naman ako saka naupo sa isa sa upuan.

"Alam mo na ba?" Napatingin naman ako sa kanya ng magtanong siya nun.


"Ang alin?" Kunyareng hindi ko alam. D-di ko kasi matanggap.


"Sinabi niya na?" Tanong niya ulit. Azar!


"Ang alin nga?!" Napasigaw na tuloy ako. Bigla naman niya ako niyakap kaya napatahimik ako.

"Di mo matanggap no?" Napahagulgol naman ako sa sinabi niya. Masakit eh, minahal ko kapatid di bilang kapatid kundi bilang isang lalaki.

"A-ako ba yung sinasabi nilang.. k-kambal ni S-Sehun?" Lakas loob na tanong ko.

"Wala ako sa posisyon para magsalita Jess, malalaman mo rin pero kung sinabi niya nga na ikaw ay anak niya, well totoo yun." Sambit niya.

His Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon