HS 9. [Second Day]

1.4K 51 3
                                    

JESSYREE'S POV

"Thanks for coming." Ngiting bati ko sa costumer sabay labas niya naman sa pintuan ng shop.

Kapagod na kahit second day pa lang, sama mo pang kada hapon pagkatapos ng shop eh may practice pa para sa sasayawin namin. Ang hagard ko na sigurong maid nito.

"Oh Jess, pagod na pagod ka ata ah?" Bigla namang bungad sa akin ni Vic. Tumango lang ako sa kanya, pagod ako eh.

"Okay ganito nalang, since andito naman yong mga malalandi, mag off muna kayo." Sabi niya kaya napayes ako mentally.

"Naks! Ang bait mo talaga Vic, kaya naiinlove si Nickhun eh." Sabi ko na ikinamula niya naman.

"In love? Eh hindi nga ako napapansin non eh. Tsk! Lumayas ka na nga. KRYSTAL, SULLI, AT LUNA BREAK MUNA KAYO! MGA MALALANDI KAYO NAMAN MAG TRABAHO!!" sigaw niya kaya napatawa nalang ako. Bwisit talaga tong si Vic oh, bilis mag change topic.

**

"Mas maganda sana kung kasama natin si Vic eh, bakit kasi naging class president pa yon?" Ani Luna. Nga naman!

"Anong magagawa natin eh naging presidente na? Mas mabuti pa kung magenjoy nalang tayo, kaja!" Sabi ni Sulli kaya nagsitanguan naman kami.

"Dun tayo oh." Sabi naman bigla ni Krystal sabay turo sa Lovey Dovey shop? =_______=

"Eh, pang couple naman yan eh." Agad kong bungad pero kuminang lang mata niya.

"Edi partner tayo tapos partner sila Sulli at Luna, problema ba yan?" Bara niya pa kaya nagtanguan nalang kami. Depots lang, babae x babae? Kadiri naman. -___- Agad namamg kinausap ni Krystal yong nagbabantay kaya naghintay lang kami, si Krystal lang naman kasi may gusto non eh.

Bumalik naman siyang nakasimangot kaya nagtaka kami. Nakapout pa ang bruha, nagmumukha siya pato niyan eh.

"Oh problema mo?" Bungad ni Sulli sa kanya kaya humarap naman siya na nakasimangot pa rin.

"Di raw pwede kung babae x babae eh, ang aarte naman." Sabi niya habang nakapout pa rin.

His Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon