Chapter 17
Mabilis dumating ang linggo. Magdadalawang linggo na lang kami dito sa Seoul but Kurt, he's not going to stay with me for two weeks. He is bound to leave today at nasa airport kami ngayon. Double flight ang kukunin niya.
"Masyadong magastos. Pakiramdam ko mamumulubi ako sa flights pa lang. Paano pa kaya kapag napunta na ko sa London." ani Kurt habang kinukuha yung ticket niya sa loob ng messenger bag niya.
Hinila ko palapit sa akin ang maleta niya dahil gumulong ito. Ito lang ang mga dala niyang bagahe. Isang duffle bag, maleta at ang messenger bag niya kung saan nandoon ko pinalagay ang mga importanteng bagay niya para hindi na niya hahanapin sa duffle bag o kaya sa maleta.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa dibdib ko. Napahawak ako ng mahigpit sa maleta ni Kurt at hindi ko na nasagot ang reklamo ni Kurt tungkol sa pakiramdam niyang maghihirap siya sa pag-alis niya. I really doubt it. Kumpara sa'kin, mas mayaman si Kurt. For God's sake he's holding a damn large company unlike appa and eomma.
"Okay ka lang?" tapik sakin ni Kurt.
Umiling ako at tumingin kay Kurt. I smiled weakly at him. Hindi ko alam anong iisipin ko sa ngayon. It's like sa isang linggo na kasama ko si Kurt, ang lakas na ng kapit ko sa kanya. I would like to beg for him to stay.
"I'm not okay." I honestly said.
"Bakit? May nararamdaman ka ba? Bored? Tell me what's wrong, Jace." ani Kurt at inakbayan ako.
"Hindi ko alam kung dapat bang mamiss kita o magmamakaawa na ko na 'wag kang aalis eh." sagot ko.
Napa-isip rin si Kurt pero nakangiti siya. Pinabitaw niya ko sa maleta niya bago ako yakapin ng mahigpit. Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya para yakapin siya pabalik. Itinago ni Kurt ang mukha niya sa leeg ko bago siya bumulong ng ako lang ang makakarinig.
"Of course dapat mo kong mamiss pero gusto kong malaman mo na kahit magmakaawa ka, kailangan kong umalis. Hindi dahil sa hindi ka na mahalaga sakin, kailangan ko lang talaga ayusin ang problema sa kumpanya ni daddy." aniya at humiwalay.
"Babalik naman ako diba? We have a deal and I'm going to hope for us. Aalamin ko pa anong desisyon mo." ani Kurt pa bago siya humalik sa noo ko.
Humalik rin si Kurt sa pisngi ko, sa tungki ng ilong hanggang sa maramdaman ko ang labi ni Kurt sa labi ko. Pinikit ko ang mata ko at pinabayaan si Kurt sa gusto niya. I responded to Kurt's kisses. Slow and passionate. I'd really miss Kurt. I'll miss the whole idea of him with me.
Lumayo agad ako nang makaramdam ako bigla ng ilang mula sa tao sa paligid namin. Binigyan ako ng isa pang halik ni Kurt bago ipinatong ang noo niya sa noo ko. Dahan-dahan kong inimulat ang mata ko, only to find Kurt smiling triumphantly habang nakapikit pa.
"I love you, Irina. Thank you for spending your week with me. I'll see you soon." aniya at hinalikan ulit ako.
BINABASA MO ANG
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...