Chapter 27
Time flies so fast. That's what Ina always say kapag may bagay akong hindi nagagawa agad. Siguro kasi, ayaw niyang magsisi ako sa huli. She doesn't want me to regret anything about what I should have done or kung ano ang nagawa ko na. She was a good twin sister all along and now, siya naman ang namromroblema ngayon.
"Suddenly, my choice is clear. I knew that only you and I where standing here..." Kanta ko at ngumisi habang natugtog ng piano.
"And beautiful is all I see... It's only you, I know it's true... It has to be." Kanta ni Kurt.
Sinamaan kami ng tingin ni Ina bago siya sumagot. "Kayong magjowa kayo, tigil-tigilan niyo ko ah!" Ani Ina at nagmukmok ulit sa bay window.
Nakaupo kasi siya doon habang nakapatong ang paa at nakasilip sa labas ng bintana. Tumingin ako kay Kurt na tumayo at lumayo. Tumayo din ako at sumunod kay Kurt saka ako kumuha ng bwelo para maasar si Ina. Kinuha ko yung gitara kong katabi ng piano saka ako kumanta.
"Suddenly I can see what I didn't before! And I don't care what they say anymore 'cause I'm falling, falling! Finally falling, falling!" Pag-iingay ko.
"Irina!" Sigaw ni Ina at tumayo.
Tumakbo si Kurt at ako naman ay binaba saglit ang gitara saka ako sumunod kay Kurt. Napunta kami sa kusina ni Kurt na tatlo. Nasa may kabilang gilid kami ni Kurt habang si Ina ay hinahabol kami. Tumakbo si Kurt pero nahila ko siya sa t-shirt niya saka kami napunta sa may dining table naman. Tawanan kami ng tawanang tatlo. Si Ina kasi namamato ng throw pillow at nagkakalat dito sa apartment ni Kurt.
"Ina! Kumalma ka! Teka, ibibigay ko na si Irina sa'yo." Ani Kurt at hinarap ako saka ipinulupot ang bisig sa baywang ko. Binuhat ako ni Kurt papalapit kay Ina at nagtititili naman ako.
Tatlong taon na kaming nakatira dito sa London and finally, I opened up my heart again. Binigyan ako ng months ni Kurt para magmove on. After his given months, nanligaw ulit siya. He made me happy. He brought back the old me at hindi rin nagtagal ay naging kami ulit. Dalawang taon at kalahati na kami ni Kurt. I moved in with him nang tumagal kami ng isang taon. Eomma was happy, appa asked me to be very careful. Ayaw niya nang maulit yung kay Chase.
Hindi ako pinabayaan ni Kurt. He fought for me the way Chase didn't and about Chase? Matapos kong marecieve ang e-mail niya, asking me if I'm going to let him go that easy ay hindi ko na sinagot pa. Nung gabing iyon, napanindigan ko ang desisyon ko. Nakatanggap pa ko ng ilang emails mula kay Chase pero binaliwala ko na lang until one day, he just stopped. I'm already happy with Kurt. He never failed to keep me happy kaya't napamahal na rin ako sa kanya. Imposible? I think not.
"Joke lang pala, Ina! Ako na lang hampasin mo! Heto na braso ko." Ani Kurt at bumitaw sa akin ang isa niyang braso habang ako'y tawang tawa pa rin.
"Ayoko sa'yo Kurt! Gusto ko kay kambal! May muscles ka, si Irina buto't balat!" Ani Ina kaya natigil ako.
"Aba't... Kambal! 'Di ako buto't balat! Sexy ako!" Paglalaban ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Nothing But Strings
Fiksi RemajaBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...