Chapter 40
This is it. Sa tingin ko, hindi na talaga pwedeng bumack-out. Ito na talaga ang araw at unti-unting binibiyak ang puso ko sa dibdib ko. I feel so frustrated, too.
Nakatingin lang ako sa salamin habang inaayusan na nila ako ng buhok. Nakatayo lang ako dito sa harap ng salamin at walang ginagawa. Pinauupo nila ako kanina pero ayoko. Kinakabahan kasi ako lalo kapag nakaupo. I'm a bit excited, bit nervous and a bit frustrated. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
Nabalik ako sa pagkakatulala ko sa salamin nang tumunog ang cellphone ko. Biglang sumulpot si Ina at lumapit sakin.
"Phone call para sa bride!" Aniya at inilahad ang palad niya.
Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang cellphone ko sa palad niya. Nagriring pa ito kaya agad ko nang sinagot.
"Hello?" Bungad ko.
"A-are you still not backing out?" Tanong ni Eris.
"I'm sorry, Eris. It's too late." Sagot ko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga. Tinapik ako ng hairstylists ko kaya tumingin ako sa salamin at tumingin sa magkabilang gilid para tignan ang buhok ko sa salamin. Nginitian ko ang hairstylists saka ako bumalik sa pakikipag-usap kay Eris.
"He's not a liar, Irina. He meant what he said when you last saw him. Although, he lied about one thing." Sabi niya.
"Ang alin ang tinutukoy mo?" Tanong ko.
"This is nonsense but you asked anyway. Chase and I doesn't have green eyes. They're blue. I do not know where he got those green contact lenses but admit it, you fell in love with those eyes." Sabi nito sakin.
Umirap ako at sumagot. "Kaya ka ba tumawag para sabihin sa akin yan?" Tanong ko sa kanya.
"What? You asked so I told you the truth." .
"Yan lang talaga ang itinawag mo sakin?"
Hindi agad nakasagot si Eris dahil mukhang may pumasok sa kinaroroonan niya. Bigla akong nakaramdam ng tuwa sa dibdib ko ng marinig ko ang boses niya na tinawag si Eris.
"What are you looking for kuya? Puso mo ba?" Tanong ni Eris.
"Nothing. Akala ko nandito yung phone ko." Sagot ni Chase sa kanya.
Narinig ko na lang na nagsara ulit ang pinto saka bumalik sa pakikipag-usap sa akin si Eris.
"I just want to tell you that if ever you changed your mind at the last minute, Chase's flight is at four o'clock. Sinadya niya na sakto sa kasal mo. I did asked him why and he just told me na para raw hindi ka na makahabol if ever." Aniya.
BINABASA MO ANG
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...