Chapter 26

170 4 0
                                    

Chapter 26


Matapos gawin ni Kurt ang mga trabaho niya kanina, as promised, kumain kami sa labas at sagot niya na nga. Alam niya kung saan ang bahay namin dito sa London. Malayo ang byahe, aaminin ko. Pag-tapak nga namin dito sa bahay ay agad umupo ng sofa si Ina at pumikit sa pagod.


Humarap ako kay Kurt na nililibot ang tingin sa bahay namin na napaka-simple kaysa sa bahay namin sa Pilipinas. Lumapit sakin si Kurt nang makitang nakatingin ako sa kanya at yumakap sa baywang ko. Kurt is always like this. Sanay na naman ako matagal na. Matigas ang ulo at alam ko na kahit anong utos ko sa kanyang huwag muna, babaliwalain niya lang.


"Okay na kayo?" Tanong niya sa amin.


Tumango ako at tumingin sa labas. Gabi na at streetlights na lang ang nagpapaliwanag sa kalsada.


"Umuwi ka na kaya? Malayo pa ata apartment mo." Ani ko.


"10 minutes from here to be exact. I'll be fine." Sagot niya sakin.


Hinampas ko siya sa dibdib niya kaya natawa siya. Ilang araw ko lang hindi nakita si Kurt nag-improve agad katawan niya. Pinitik ni Kurt ang noo ko kaya nahampas ko ulit siya sa dibdib kasabay ng halakhak niya. Humalik siya sa noo ko pagkatapos at binitawan ako.


"You know, you're right. I should go. May klase pa ko bukas." Aniya at kumindat sa akin.


"Told 'ya!" Ani ko saka ko siya inirapan.


"Rest well, Irina. I'll drop by some other time. You have my number so you could call or message me if you need anything, okay?" Paalala niya sakin.


Tumango ako at nginitian siya. Humalik ulit siya sa noo ko saka siya lumabas ng bahay at sumakay sa kotse niya. Nang mawala sa paningin ko si Kurt ay sinara ko na ang pinto at nilock mabuti. Lumapit ako kay Ina at tinapik siya sa braso. Nagmulat siya ng mata kaya tinuro ko ang bagahe namin.


"I-akyat na natin ito sa taas para makapagshower at makatulog na." Ani ko.


"You're right. Share raw tayo ng kwarto sabi ni appa, by the way." Sagot ni Ina at ngumisi sakin.


Umirap ako sa kawalan sa sinabi niya at saka kami nagtulungan sa pag-akyat ng gamit namin sa kwarto namin. May attic actually saka namn ako kinilabutan nang may nakakatakot na eksena ang pumasok bigla sa utak ko. Tinapik ako ni Ina sa balikat para pakalmahin.


"Relax, kambal. It'll be your room and whatever you are thinking, it won't happen. Kaya nga sumama ako sa'yo, 'di ba? So you won't be alone?" Paalala ni Ina na tinanguan ko.


"Tama ka. Kinilabutan lang talaga ako." Sagot ko at binuksan ang maleta't duffel bag.


Malaki ang kwarto namin ni Ina. Dalawang cabinet at dalawang kama ang meron dito. May cr din kami ni Ina dito at isang boudoir. Modern na rin ang disenyo ng loob ng bahay pero ang labas ay nanatiling vintage looking. I admire this house. Ani eomma'y dito raw sila nanirahan nila lolo noon.

Nothing But StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon