Chapter 4
“Anong ginagawa mo?” tanong sakin ni Niccolo nang sulyapan niya ko habang nagmamaneho siya.
“Tinetext yung kambal ko. Baka magulat siya wala na ko. Sabihin ko lang na kinidnap mo ko.” Sagot ko na tinawanan niya.
“Bakit mamaya pa ba siya?” tanong niya.
Ina Baklita
HEEEYY~! Haha! Kinidnap ako ni Niccolo kaya wag niyo na ko hintayin ha? I love you kambal!
Pagkasend na pagkasend ko ng text ay sinagot ko ang tanong ni Niccolo. “Yeah. May klase pa siya pagkatapos ng training niya.” Sagot ko saka tinago ang cellphone.
Tumango si Niccolo at sumulyap ulit sakin. “Saan mo gusto kumain?” tanong niya ulit.
“Sa bistro na lang. May set ako doon mamaya. So pagkatapos natin kumain, kakanta na ko. Hihihi…” sabi ko at nginitian si Niccolo.
“Matalinong bata. Okay turo mo.” Sabi niya at tinuro ko naman kung saan.
Nang makarating naman kami ay hininto agad ni Niccolo ang sasakyan sa tapat ng bistro. Umakyat kami ni Niccolo papasok ng bistro saka ko siya dinala sa table malapit doon sa stage kung saan ako tutugtog kasama yung mga kabanda kuno ko.
Umupo kami ni Niccolo at sakto naming nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ng coat. Kinuha ko ito saka ko tinawag yung manager ng bistro at pinaorder si Niccolo.
Ina Baklita
Naka-uwi na siya? My golly, hinanap ako? Shet! Irina! Tell him I said hi and I missed him. Thank you kambal! I love you too.
Tumikhim ako kaya tumingin sakin si Niccolo na naorder. Inabot ko sa kanya yung cellphone ko at ako naman ang kumausap sa manager.
“Ba’t ngayon ka lang nakabalik, Irina?” tanong niya sakin.
“MWF ang schedule ko dito diba? Chicken Alfredo pasta akin saka isang pitsel ng iced tea. Salamat!” ani ko na tinanguan niya naman.
Inabot sakin ni Niccolo ang cellphone ko at napansin kong namumula ang tenga niya. “Kinikilig ako.” Sabi niya sakin.
Hinampas ko sa balikat ng malakas si Niccolo kaya natawa siya. “Baklang malandi!” ani ko na nagpatawa sa kanya lalo.
Medyo natagalan ang pagseserve ng pagkain kaya pagkalapag na pagkalapag sa mesa namin ay kumain agad si Niccolo. Pinaglagyan niya pa ko ng iced tea sa baso. “Kailan ka pa umuwi?” tanong ko sa gitna ng pagkain namin.
“Kanina lang. Remember my friend?” tanong niya sakin.
BINABASA MO ANG
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...