Pang-hulog O Ako'y nahulog?

79 5 0
                                    


Zia

Isa ako sa mga taong naghihintay na mag-disyembre at madama ang lamig ng hangin na hahaplos sa aking balat. Kasabay ng lamig ng hangin ay ang tuwa dahil muli ko na namang makikita ang mga parol na isinasabit sa bawat parte ng aming baranggay at ang liwanag na nagmumula sa tahanan ng bawat tao rito sa amin. Nakakatuwang makita itong nagnining-ning dahil ako'y napapangiti dahil ang ibig sabihin ng aking ngalan ay liwanag. 

At gaya nila, ako rin ay magnining-ning.

Charot! Gusto ko lang talaga ma-kompleto ang simbang gabi dahil ngayon nagkaroon ng pandemya ay halos hindi na ako nakalabas at nakapagsimba kaya naman ngayon na pwede na ay kinuha ko na ang tiyansa. Nakakainis lang talaga si papa dahil napakatagal niya..

"Huwag ka nang sumimangot diyan, 'nak! Nandito na ako." Napailing ako nang marinig ang boses ni papa mula sa labas, nag-aayos na ito ng sapatos samantalang ang ate ko ay nakatingin lang sa kaniya, kainis.

Lumapit na lang din tuloy ako para tumulong. "Muntikan pa akong hindi maka-attend sa first misa nila ngayon, ala-sais na huhu.." Bulong ko saka kinuha ang bag niya.

"Akala mo talaga banal... Eh, last year parang umattend ka lang para humanap ng crush mo tapos wala ka naman nahanap dahil ayaw mo sa sakristan." Singit ng ate kong panget.

Inirapan ko na lang siya saka nilagay ang bag ni papa sa kwarto. Sinama ko kasi siya magsimbang gabi last year at medyo tama siya sa part na 'yon dahil aaminin ko maharot talaga ako dati pero DATI lang 'yon dahil ngayon masyado ng maraming problema ang mundo. Pero if meron, sure why not, diba??

Pero kung sakristan, atras malala talaga.

At kung bakit? Ewan ko rin, eh. Parang ang weird lang kasi magkajowa ng gano'n kabait, I mean baka hindi makeri ng aking demonyo side at araw-araw akong masunog. Eme, mabait pala ako.

After magbihis ni papa ay dumiretso na siya sa sala para manood kaya umakyat naman na ako para makapagbihis kaso lang wala pala akong masyadong nabili kaya naman wala akong choice kundi magtungo sa aking kinabukasan. 

Sa closet ng aking kapatid, HUAHAHAHAHAHA.

Meganon? Magsisimba pero gagawa muna ng kasalanan. Hiram lang naman, eh.. Hindi naman nakaw, hehe. So basically, hindi naman krimen.

Pagtapos ko mamili ay bumalik na rin ako kaagad sa kwarto para magpabango at dahil narinig ko na ang pangatlong beses na pag-ring ng bell sa simbahan ay mas lalo akong nagmadali. Tumakbo na ako palabas ng kwarto saka mabilis na bumaba sa hagdan. Dumiretso na ako sa pintuan at halos mapatalon ako sa gulat dahil sa mukha ng ate kong panget.

"Bakit ba naka-mask ka, ka-aga-aga!" Reklamo ko dahil sobrang puti pa ng mask niyang suot.

"Eh, ikaw? Bakit suot mo na naman 'yang damit ko?" Tanong niya sa akin habang naka-cross shoulder pa at naka-pameywang.

Ngumiti naman ako saka nag-peace sign. "Peace be with you, teh. Bigay mo na sa'kin 'tong araw na 'to, hehe."

"Ayos.. Araw-araw, araw mo?" Sarkastiko niyang tanong.

Nag-pout naman ako. "Parang hindi kapatid, eh."

"Hindi talaga!" Sigaw niya saka pumasok sa loob.

Napairap naman ako. Magkaiba lang kami ng pinagdadaaanan sa buhay pero magkapatid pa rin kami! Kasalanan ko bang panganay siya at bunso ako kaya nauna siyang nagkatrabaho? Hmp, pasalamat siya ayokong masira ang araw ko kaya naman papasok ulit ako sa loob ng bahay. Hindi para suyuin siya kundi para manghingi ng pera.

"Pa, wala pala akong panghulog, hehe." Tinaas-taas ko pa ang kilay ko para macute-an siya sa akin pero tinaas niya lang din ang isa niyang kilay. "Bakit?"

Will be my last bibingka with you? ( Christmas Special 2021 )Where stories live. Discover now