Tuluyang nang nahulog..

20 2 2
                                    


Andrei

Minsan na ako hindi natuwa sa pasimpleng pag-imbita ni mama ng kung sino sa bahay namin. Hindi dahil sa may pinapagawa siyang hindi ko gusto kundi dahil sobrang tabil ng bunganga niya at halos pati history ng bayan na ito ay sinasabi niya.

Kaya nga hindi ko alam kung bakit kinakabahan pa ang mga kaibigan ko tuwing makikita siya, kung alam lang nila na sobrang pakawala ng nanay ko, baka makipag-inuman pa sila roon.

Galit ako sa kaniya dahil hindi niya nagampanan ng tama ang pagiging ina niya sa akin pero sa kabila ng lahat may mga dahilan pa rin pala kung bakit hinayaan niya ako na mapunta na lang kay papa.

It was because of my lola and lolo. They want mom to have a perfect son but my mom wants th other way kaso gaya ko sa kaniya ay wala rin siyang magawa laban sa magulang niya.

"Hoy, bibili akong bibingka at milktea!" Sigaw ni Zia mula sa hindi kalayuan.

Napailing na lang tuloy ako at mahinang nagpasintabi sa mga taong nasa harapan ko para mapuntahan kung nasaan siya. Kaway ito nang kaway para makita ko dahil sobrang dami ng tao ngayong araw.

Hindi na rin naman kami nagulat sa dami ng tao dahil huling simbang gabi na ngayon. Maraming mga taong nagsisimba sa huling simbang gabi. Kasama pa nga namin sila tito at ate ni Zia kanina pero mabilis lang din na umalis dahil magbibihis pa raw sila.

Oo, pinapasama rin ni mama si tito. As far as I know may past ata sila, weird.

"Ang bagal mo naman! Naubos na tuloy 'yung wintermelon!" Batok sa akin ni Zia saka nakipagsiksikan sa mga bumibili ng milktea, inabot niya pa sa akin ang isang balot ng bibingka.

"Teka, ang dami nito, ah. Kakain pa tayo sa bahay, Zia. Huwag ka ngang takaw tingin!" Saway ko, nilingon naman ako nito at pinanlakihan ng mata.

Nakakainis talaga minsan 'yung mga babae, pasalamat 'tong babaeng 'to masunurin ako.

Medyo, minsan.

"Uy, dre!" Napalingon ako sa pagsigaw ni Vincent.

"Bakit ba?"

"Luh, init ng ulo, ah. Mas mainit pa sa bibingka!" Asar niya sa akin sabay tawa, seryoso ko naman siyang tinignan at akmang aambahan pero nginuso niya naman si Zia na nakatingin. "Zia, oh! Pala-away na 'tong manliligaw mo!"

"Oh?" Sagot sa kaniya ni Zia sabay taas ng kilay.

Napakunot ng noo si Vincent. "Ang taray, amp. Buntis ba 'yan?"

"Gago!" 

Nagulat ako nang may kung anong malamig na bagay ang tumama sa bunganga ko, mabuti na lang mahigpit ang hawak ko sa plastik ng bibingka kung hindi mayayari ako kay..

"Bunganga mo!" Saway niya sabay tusok ng straw sa milktea na sinubsob niya sa bunganga ko. "At ikaw naman, puro buntis 'yang nasa utak mo! Buntisin ko 'yang nguso mo, eh."

Boom!

Malakas akong humagalpak sa tawa saka tinuro-turo pa ang mukha ni Vincent na hindi na makapaniwala sa pagbara sa kaniya ni Zia.

"Anong nakakatawa, Andrei?" Tanong ni Zia na nagpatahimik sa akin.

"Weird niyo! Puntahan ko na lang si faye my babes para kami na lang didiretso sa bahay nila drei, gosh." Pagbabakla nito bago umalis.

Umirap naman si Zia sabay kuha ng bibingka sa kamay ko at abot naman ng milktea. 'Yung totoo? Nagiging patay gutom ba ang babae kapag may period? 

Mula kaninang umaga pa ata siya kain nang kain ng kung ano-ano at hindi pa rin siya sinasakitan ng tiyan. Mabuti na lang hindi raw ganoon karaming pagkain ang iniluto nila mama sa bahay dahil kung hindi ay mahihirapan na naman akong i-uwi 'tong si Zia.

Will be my last bibingka with you? ( Christmas Special 2021 )Where stories live. Discover now