Zia
Hingang malalim..
Ang hirap maniwala.
Hindi ko alam kung paano ko nagawang matuwa sa mga salitang binitawan niya at kung paano ako tumakbo sa kawalan nang hindi nag-iisip.
Siguro dahil kapag nandyan na 'yung matagal mong pinapangarap, hindi ka na makakapag-isip ng tama.
At oo, matagal ko na siyang pangarap.
Hindi man halata pero matagal ko na siyang tinitignan mula sa kalayuan.
Nakakatawa lang na hindi ako fan ng bestfriends to lovers kaya hindi ko magawang umamin.
Hindi dahil sa prinsipyo o pride kundi dahil sa takot na baka masira ang aming pagkakaibigan.
Siya lang ang kaibigan ko at kung mawawala siya sa akin..
Mawawala rin ako sa sarili ko.
Nagsimula lahat sa kalsada.. Alam niyo na, typical na batang lansangan.. At nakita ko siyang nakasilip lang mula sa kanilang bintana. His eyes has no emotion..
Imbes na matakot ay naawa ako.
Sa edad namin ay dapat nagsasaya kami. Naglalaro.. Kumakain.. Natutulog..
Pero siya..
Parang pasan niya ang problema ng buong pamilya niya.
Kaya kinaibigan ko siya.
Pinagtabuyan niya ako,
Inasar ko lang siya.
Sinungitan niya ako,
Sinumbong ko siya sa papa ko.
That's why my dad is one of our fan.
Sa lahat ng mga lalaking nagdaan sa aming tahanan.. Isa lang ang malugod niyang pinapasok.
It's him. Andrei.
"Nak, gabi na. Bakit nandiyan ka pa?"
Mabilis kong binalot ang sarili ko sa kumot.
Pasimpleng pinunasan ang aking mga luha.
Pero huli na.
Mabilis akong niyakap ni papa dahilan upang mas lalo akong maluha.
"Shh.."
"Pa.. diba dapat masaya ako?" Tanong ko.
Mahinang tumawa si papa. "Parehas talaga kayo ng mama mo. Iyakin!"
"Papa naman, eh!" Hinampas ko siya sabay hagulgol.
"Totoo naman, eh. Noong umamin ako sa mama mo, umiyak din siya! Napaka-oa! Sabi niya kasi raw may gusto sa akin ang kaibigan niya at hindi niya kayang traydorin ang kaibigan niya."
Napalayo ako sa pagkakayakap kay papa dahil sa gulat. "Totoo po?"
Tumango siya. "Doon ko pa siya nakita sa may bar ng kaibigan niya. It was her first time drinking kaya nalasing kaagad siya at doon siya umamin sa akin."
"Anong inamin niya, pa? Na ayaw niya sa'yo?"
"Kung ayaw niya e'di sana hindi ka napanganak. Ewan ko, tanga ka ba, 'nak?" Biro niya.
"Seryoso kasi, pa!"
"Siyempre inamin niyang gusto niya rin ako. Naiipit lang siya sa sitwasyon."
"Eh, sinong pinili niya?"
"Hindi naman kailangang pumili. Mag-usap. Iyon ang kailangan. Kaya naman kami ang nagkatuluyan."
"Sana all na lang." Saad ko. "Kung ako siguro mas mapapairalin ko ang prinsipyo ko para sa kaibigan ko kaysa magsakripisyo. Magpaparaya ako kahit mahal ko 'yung tao."
YOU ARE READING
Will be my last bibingka with you? ( Christmas Special 2021 )
Fanfiction- Loving him was full of questions, unsaid feelings and emotional eyes. Do I really need to fall in love with other guy just for him to realize how much I'm into him? It's been years, will it be my last bibingka with him?