Salinlahi

28 5 0
                                    

Zia

"Dali na kasi! Samahan mo na akong magsimba!" Sigaw ko habang hila-hila ang braso ng kaibigan ko.

"Nakapagsimba na nga kami kaninang madaling araw, Zia. Ang kulit naman nito." Iritable niyang saad habang naglalaro pa rin ng online game sa cellphone niya.

"Pwede ka naman umulit ng simba, ah?! Saka wala nga kasi akong kasama huhu. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanilang lahat doon.." Bulong ko na halos maiiyak na.

Natawa naman siya bigla. "Huwag nga ako, Zia. Kilala ka sa baranggay natin na isa sa pinaka clumsy at wala ka ng hiya. Ang sabihin mo, nahiya ka roon sa kinekwento mong lalaki." 

Napahinga naman ako nang malalim sa ilong saka binalibag ang kamay niya at napanguso. Dapat talaga hindi na lang ako nagkukwento sa lalaking 'to, eh. Mas lalo lang tuloy niya ako hindi sasamahan huhu.

"Sige, bahala ka sa life mo! Hmpf!" Sigaw ko saka tumayo na at dumiretso palabas ng bahay nila.

Sakto naman ang pasok ni tito galing garahe nila. Nagmomotor kasi ito mula sa trabaho kaya naman nakasuot pa siya ng helmet at pagkatanggal niya nito ay ngumuso kaagad ako.

Para naman maawa siya sa'kin, hihi. Mas cute raw kasi ako kaysa sa kaibigan ko kaya mas naaawa siya sa akin lalo na kapag sinusungitan ako nung anak niya.

"Oh, Zia!" Bati niya sa akin pero nanatili lang akong nakanguso.

Dapat naka-in character ka palagi.

"Hello, tito.." Halos pabulong ko nang saad pero kaagad naman akong napamove forward nang biglang may sumanggi sa akin.

"Tito, sinanggi ako, oh!" Sumbong ko sabay turo sa kaibigan kong anak niya.

"Ang oa mo! Nakaharang ka kasi sa daanan!" Asik niya saka tumingin kay tito. "Sasamahan ko na siya dahil mamaya maghasik na naman siya ng kababalaghan sa simbahan." Diretso niyang saad saka kami nilagpasan.

Sabay naman kaming napakunot noo ni tito dahil sa biglaang pagbabago nito ng isip. Magtatanong pa sana ako kay tito pero nagkibit-balikat na ito kaya dumiretso na lang ako palabas ng bahay nila.

Weird talaga nung lalaking 'yon kaya walang nagkakagusto sa kaniya, eh. I mean, mayroon naman pero walang naglalakas loob na lapitan siya kasi akala nila jowa raw ako, amp. Jowa his face! Hindi siya ang type ko no!

'Yung lalaki kahapon sa simbang gabi, mwehehe.

Kaya nga magsisimba ulit ako ngayon, eh. Para malaman ko if totoo ba talaga siya or nananaginip lang ako kahapon dahil after ng misa ay hindi ko na talaga siya nakita. Bumili pa nga ako ng bibingka sa labas ng pasilya para magtagal ako kaso alaws pa rin siya.

Malungkot tuloy akong umuwi kahapon.

"Hindi bagay sa'yo."

Napalingon ako nang marinig ang malamig na boses ng anak ni satanas. Iirapan ko na sana siya kaso baka magbago pa ang isip niya at hindi pa 'ko samahan.

"Oo, kasi tayo talaga ang bagay!" Banat ko sabay hila sa kaniya sa braso.

Hindi naman ganoon kalayo ang bahay nila sa simbahan kaya nakarating na kaagad kami. Medyo pinagtitinginan pa nga kami nung ibang mga matatanda bago pumasok sa simbahan.

"This is one of the reason why I don't want to be here— with you." Madiin na saad niya sa akin at inilayo ang kamay kong nakahawak sa kaniya.

Hindi ko tuloy maiwasan na tignan nang masama 'yung mga chismosa at ang mga nakakainis na tao na palaging nagsisimba pero wala namang ibang ginawa kundi pag-usapan ang buhay ng ibang tao.

Will be my last bibingka with you? ( Christmas Special 2021 )Where stories live. Discover now