Andrei
"Ano bang hihilingin niyo kapag nakompleto ninyo ang simbang gabi?"
Namayani ang bulung-bulungan sa buong plaza na may kaniya-kaniyang sagot sa tanong ni father.
Samantalang katabi ko na ngayon ang dapat hihilingin ko.
Lakas ko talaga kay lord.
"Hoy, ikaw? Anong hiling mo?" Tanong niya sa akin.
Napaisip ako. Ano bang pwedeng hilingin?
"Wow, nag-iisip pa. Ano, big deal ba? Baka pektusan kita, Andrei."
Napakunot ang noo ko. "Nababaliw ka na. Kulang ka sa tulog no?" Imbes na sagutin ay inirapan niya lang ako.
Napailing naman ako habang pinipigilan ang tawa ko. Bumalik ako nang tingin sa harapan. Nakatawa si father dahil sa sagot ng mga tao.
"Siguro karamihan sa inyo ay pansarili.. Mayroon naman para sa kanilang pamilya at siyempre para sa buong mundo." Saad ni father. "At ang isa sa nais natin ay ang suwertihin, tama ba ako?"
"Opo, father!" Sigaw ni Vincent.
Buhay pa pala 'to.
Natawa si father. "Ganiyan na ganiyan din ang sagot ko kapag tinatanong ako bago ako maging pari!" Turo ni father kay Vincent.
"Ano raw?" Tanong ni Vincent na sabog ata.
"Magpapari ka raw." Saad ni faye na ikinatawa namin.
"Haha!" Pekeng tawa ni Vincent sabay irap.
Napalingon naman ako kay Zia na taimtim na nakikinig kay father. Inilapit ko nang kaunti ang upuan ko at lumapit sa tenga niya.
"Bagong buhay?" Tanong ko.
Imbes na sagutin ay halos mapatalon ako sa sakit dahil sa pagkurot niya sa braso ko.
"Grabe ka naman magpahirap." Mahina kong saad.
"Makinig ka kasi. Kita mo, ikaw naman ngayon ang hindi nakikinig." Asik niya. "Nagbago ka na. Hindi na ikaw ang Andrei na kilala ko."
Kumunot naman ang noo ko sa pangalawang pagkakataon. "Ha? Anong sinasabi mo?"
"Shut up! I don't need your explanation." Saad niya at tinakpan pa ang bunganga ko gamit ang kuko niya.
I guess sa baliw na babae ako na-inlove.
Hindi ko na lang pinansin si Zia hanggang sa mag-communion dahil mukhang seryoso talaga siyang nagsisimba. Pero may dahilan naman kung bakit hindi na ako masyadong nakikinig.
Iyon ay dahil nagsimba na ako kaninang madaling araw at sumama lang ako rito dahil may usapan kami ng papa niya.
And I want to see her, feel like I've completed this simbang gabi with her.
Natapos ang misa.
Pumasok pa si Zia sa loob dahil magbi-bless daw siya sa mga sisters at balak pa atang kausapin si father pero nagmamadali si father dahil may susunod pa siyang misa.
Lumabas tuloy siyang nakabusangot ang mukha.
Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o maaawa.
"Dre, bibili lang kami ng milktea sa may kanto. Gusto niyo bang sumama?" Tanong ni Vincent.
Umiling naman ako at pinauna na lang sila na umalis.
Nagtungo naman ako kay Zia at agad na hinawakan siya sa kamay.
"What's the prob?" Tanong ko.
Umiling naman siya. "Nagugutom lang ako."
Napaisip ako. Parang ang dami niyang kinain bago kami magsimba dahil maraming biniling pagkain ang ate niya, ah?
YOU ARE READING
Will be my last bibingka with you? ( Christmas Special 2021 )
Fanfiction- Loving him was full of questions, unsaid feelings and emotional eyes. Do I really need to fall in love with other guy just for him to realize how much I'm into him? It's been years, will it be my last bibingka with him?