Remember me?

9 1 0
                                    

Zia

Palagi kong tinatalikuran ang mga tao na paalis na. Madalas kapag magpapaalam sila na aalis ay ako na mismo ang mauunang umalis para lang hindi ko sila makitang unti-unting lumalayo sa akin.

Hindi ko lubos maintindihan kung bakit sa simpleng pagtalikod nila sa akin ay para na akong maluluha.

Siguro dahil kay mommy.

Because she left me.

Maraming nagbago hindi lang sa akin kundi pati sa pamilya ko. 

Hindi ganoon kasayahin na tao si mommy. She's strict and cold-hearted lalo na kapag may nagawa kang mali. Hindi kasi uso sa kaniya ang magpatawad dahil lang nagsorry ka. 

You suppose to know kung anong pagkakamali ang nagawa mo.

The reason why hindi ko siya mapapatawad.

Iniwan niya kami bago magpasko at hindi man lang siya nanghingi nang tawad sa paglisan niyang iyon..

But then, I love her.

That's why I'm setting her free..

"Happy death anniversary, ma.." Bulong ni papa sa puntod ni mama. 

His breathless. Pinipigilan niyang umiyak dahil nandito kami, ganoon din si ate. 

It's been years since mom died pero sariwa pa rin ang sakit na tinamo nito sa amin.

Sa akin.

I was just 10 years old that time. Ako ang kasama niya nung araw na mamatay siya.

Kaya paulit-ulit kong isinisisi sa sarili ko ang pagkamatay niya.

Na feeling ko, I don't deserve to be happy. I don't deserve any kind of happiness.

Pinigilan kong tumulo ang luha ko habang nakatitig sa puntod ni mommy. Pasimpleng idinaan ang aking daliri sa kaniyang lapida.

"Why my name is next to her, pa?"

I curiously asked him while looking straight to his eyes.

He smiled. "Maybe, because you have a resemblance of her eyes.. Sobrang ma-emosyon.."

I smiled. "I like my eyes too, papa." 

Siguro kaya hindi ko rin magawang magpuyat ay dahil sa rason na ibinigay sa akin ni papa. Iniingatan ko ang mata ko dahil sa iyon lang ang pagkakapareho namin ni mommy. Iniingatan ko ang mata ko dahil sabi niya ito raw ang tutulong sa akin upang makita ang taong tunay na magmamahal sa akin.

It's all about emotion of their eyes..

Para raw makita mo kung talagang mahal ka ng isang tao. Hindi lang dahil sa ngumingiti siya kasama mo kundi dahil hindi niya inililingon ang mga mata niya sa kahit kanino.

Na kahit ilang daang tao pa ang nakapaligid sa kaniya, ang mata niya ay sa'yong-sayo lang.

"Why you're looking at me as if I'm going to die bukas?"

Matalim kong tinignan si Andrei. "Bunganga mo." Suway ko.

Tumawa naman siya sabay tapik pa sa akin na mas lalo kong ikinainis. 

I hate his trippings in life.

Kagabi halos hindi na sila natulog dahil daw may kalaban silang taga kabilang bayan. Partida gabi na kami nakauwi sa bahay tapos nakapaglaro pa siya.

"Dre, 'yang mata niyan ang magiging cause of death mo." Bulong ni Vincent.

At oo, nasa simbahan na naman kami. Kami na namang tatlo ang magkasama dahil si faye ay nakapagsimba na raw kanina sa kabilang bayan.

Will be my last bibingka with you? ( Christmas Special 2021 )Where stories live. Discover now