1. KAVINN FORRANDE

19 8 4
                                    

KAVINN FORRANDE

"Nagmamadali ka ata Kavinn? What's the matter" tanong ni Nana sa akin habang nag mamadaling kumain.

"I have to be early today Nana, dahil bukod sa punctual ako kay may practice kami today para sa event next week.." excited kong sinabi kay Nana habang nakikinig naman siya sa mesa kasama ako.

"Aba, kaya pala masyado kang maligalig kahit sa pagkain.."

"Nana, pagkagising ni mama at papa pakisabi nalang po na umalis na ako.." tumayo na ako sa mesa at pumunta sa sasakyan ko.

I am 18 and a Grade 12 General Academic Strand Student. Bakit ako nag GAS? Bakit nga ba hindi STEM or HUMSS? Because nung tumungtong ako ng Seniors, I am still undecided sa dami ng hilig ko. So for the undecided strand, I went with GAS.

When I arrived at school, inayos ko na lahat ng dapat kong ayusin at then lumabas na ako ng sasakyan. The car I drove belongs to my Kuya, but since he isn't around ako na muna yung gumagamit.

Dumiretso ako sa gym, at nagpalit ng attire. Magp-practice shooting nalang muna sguro ako while wala pa yung mga kasama ko.

Sinolo ko ang buong court for around 30 mins. kaka tira ng bola sa ring. Siguro masyado lang talaga akong maaga. #ExcitedMuch. Nang naramdaman kong pagod na ako, umupo muna ako sa bench dahil may dala naman akong waterbottle at pamunas.

Dahan dahan akong uminom ng tubig at napansin ang isang pusang pagala gala sa court. Itinabi ko ang tubig saka ko pinag tatawag ang pusa para lumapit ito sa aking direksyon at hindi ako pumalya, lumapit nga ito.

Maputi ang mga balahibo niya at ubod ng ganda ang porma ng kanyang mga kulay asul na mata. Napakaganda niyang tignan dahil mataba ito at sobrang cute.

I continued brushing my hands sa kanyang likuran ng biglang may bumato sa akin ng bote ng mineral water na nasisiguro kong may laman dahil kumaltok talaga ito sa ulo ko. Napatayo ako at napalingon sa likuran ko.

"Dude, hindi nakakatawa." sabi ko habang hinahanap ang taong bumato ng bote ng tubig sa likuran ng ulo ko.

"Sabi ko hindi nakakatawa." Dinoble ko pa ang angas ko para kumabog na at lumabas ang may gawa non pero wala talaga akong naririnig kundi ang mga boses ng mga estudyanteng nag uusap sa malayo.

Lumingon ako ulit sa harap apara maupo ng bigla akong kinwelyohan babaeng naka hoodie dahilan para tumalon yung pusa sa kamay ko.

"Do not ever intervene with what is mine." sabi nato kasabay ng pag pitik nito sa mata ko.

"Argh!" sigaw ko sa sobrang sakit at nung binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya, wala na ito. Nilibot ko ang tingin ko sa buong gym ngunit wala na akong iba pang makita kundi ang bola lang at ang mga gamit ko. Umayos ako ng tayo ng marinig kong nagbukas ang pinto ng gym at iniluwa nito ang mga kaibigan ko kasama ang coach ko.

Umupo ako pabalik sa bench habang naglalakad papunta sa direksyon ko si Jerome.

"Bro, ang aga mo.." we shook hands and took a seat.

"Oo nga eh, napasobra sa aga.." sagot ko naman sa kanya habang nililibot parin ng paningin ko ang gym.

Sino kaya yung taong yun? Apaka tigas naman ng pagmumukha non na kwelyohan ako at pitikin ako sa mata. Lintek lang talaga ang walang ganti.

Pagkatapos ng aming practice ay nagbihis na ako ng school uniform at ready na akong pumasok. Hindi kami magkaklase ni Jerome kaya naiwan akong mag-isang naglalakad sa hallway patungo sa room ko.

Tanging lagapak lang ng sapatos ko ang naririnig ko sa hallway ng makita ko ulit yung pusa kanina dahil panay 'meow' ito sa gilid. Kinuha ko ang pusa at inamo amo ito hanggang sa nakarating ako sa room.

"Good morning Maam, pwede po ba akong pumasok." Bati ko sa guro at pumasok na rin maya maya. Inilagay ko ang pusa sa mesa ko at inayos ang aking sarili para sa klase.

"Kavinn, let the cat out or go out instead." sabi ni Maam habang nagsusulat sa board. Minsan talaga napapaisip ako kung multo ba itong si Maam o may kapangyarihan lang talaga siya.

Umakma akong tatayo ng biglang umalis ng kusa ang pusa at pumunta sa babaeng nasa tapat ng bintana sa bandang likuran. Napapansin ko na ang babaeng iyon ngunit ngayon ko lang naaliwanagan ang mukha nito dahil sa pusa. Pinabayaan ko nalang ito at kinuha ang notebook ko para magsulat.

"Kavinn Forrande. Is my instruction hard enough for you? Let. the. cat. out. or. go. out. instead." This time lumingon na talaga si Maam saakin at ikinagulat ko nalang na nasa tabi ko na naman pala ulit ang pusa. Napatingin ako sa babaeng nilapitan nito kanina.

Patuloy siya sa pagsulat kaya kinarga ko nalang ang pusa at inihatid sa labas ng classroom.

"Ming, shoo. shoo." sabi ko sa pusa para umalis na ito ng tuloyan ngunit nakatitig lang ito saakin na tila ba nagmamakaawa.

"balikan nalang kita mamaya." Final kong sinabi at tinalikuran na ito para bumalik sa classe. Napansin kong nakatingin saakin yung babae sa bintana sa pagpasok ko ngunit hindi ko nalang pinansin at nagsulat na ng tuloyan.

Habang nagsusulat ako ay naalala ko yung nangyari kanina sa gym.

Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang, "Do not ever intervene with what is mine."

Mukha ba akong magnanakaw para pakielaman ang mga bagay na hindi ko pagmamay-ari? Mukha ba akong criminal sa kalagayan kong 'to? Kasi kung oo baka mabugbog ko yung taong yun.

Tsaka bakit yon naka hoodie? Malamang kilala ko yun kasi bakit naman siya mag hohoodie eh ang init kaya ngayon? Palagay ko, pinagtatakpan talaga nun yung mukha nya para hindi ko makita.

Oh di kaya imahinasyon ko lang yon, pero impossible naman ata yon kasi binato niya ako nga bote ng mineral water na may laman. Nafeel ko pa nga yung sakit sa ulo eh, impossible talagang guni guni ko lang yon.

Natapos ang buong araw ko ng puno sa pagtataka at misteryo.

——
A/N:

PLEASE CONTINUE TO READ AND VOTE!! THANKYOU SO MUCH! ❤️

Shumi's OwnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon