5. SHUMI

5 4 0
                                    

SHUMI

"Iuuwi nalang kita dito bukas. Sa bahay ka nalang muna." Nang walang kung ano ano ay kinarga ako ni Kav at ipanasok sa kotse niya.

Bakit nya kaya ako isinakay? Bawal bang tumitig sa kanya for a long time? Hindi naman ako nagmamakaawa sa kanya lmao.

Malayo ang bahay nila sa school kaya medyo masakit ang ulo ko sa byahe mga marz. Sino ba naman ang masisiyahan non eh ang bilis niyang magpatakbo.

Pagkadating namin sa bahay nila ay dumiretso kami sa kwarto niya. Super organized si Kav as in, walang kalat yung room niya unlike other boys. Hilig niyang haplosin ang pretty balahibo ko. Ano ba yan, makikilitiin ako pero gora nalang igop naman chariiiz

"Nasaan ba kasi yung amo mo Shumi." tanong niya habang umiinom ako ng gatas. Later nalang kita sasagotin daddy, busy po ang Shumi.

Dahil na dedma ko siya ay pumunta na lamang ito sa study table niya at nag-aral. Pagkatapos ng aking milk sessions ay agad akong naglaro laro sa paanan niya. May mga things kasi don na nacatch ang aking eyes. Ang cute kasi ng room niya, so minimal.

Napansin niya ako at siguro tapos na siya sa gawain niya ay kinuha niya ako at pinagmasdan nang malala. Tinitignan niya ata lahat ng aspects ko starting from my eyes and ewan ko ba. Natutunaw na po ako Kavinn, halerr!

Dahil naman confused ako sa actions nito ay nakatitig nalang din ako sa kanya at biglaan niya akong niyakap. Akala siguro ni Kavinn na stuffed toy ako or what, kasi nakaka ilang yakap na to sakin eh. Kagatin ko bayag mo, wag kang ano.

Chariiz.

"Shumi, alam mo ikaw pa ang kaunaunahang pusa na nadala ko dito sa bahay. May amo ka ba?"

"Wala po akong amo." (MEOW)

"Wala?" masaya nitong sinabi.

Gets mo language ko lude? Grabe ka.

"Wala nga eh, ulit ulit naman!" (MEOW)

"Sige, bukas pag hindi ka parin makauwi ay ako na ang magiging bago mong amo okay?"

"Hala, bat ambaet mo sakin lude? Ikaw ha" (MEOW)

Tumawa ito nga malakas. Nag-gets nya kaya ako? Ba't ang ansaya niya ata.

Biglang may tumunog sa cellphone niya, siguro ay may tumatawag kaya sinagot niya ito.

Habang nag-uusap sila ay nakita kong maayos at maganda ang view ng bintana niya dahil kitang kita ang mga bituin sa labas kaya tinahak ko iyon at tumambay sa side ng bintana.

Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ang ganda ng langit na nakikita ko.

'nakakamiss naman mamuhay nang normal'

"Hi. You okay? Coz I'm not." narinig kong tanong ni Kav habang palapit ito sa akin. Tumingin lang ako sa kanya habang tumitititig din siya sa kalawakan.

"Do you feel relaxed when you stare at the skies Shumi? Kasi ako, hindi. I get so troubled looking at dark corners. Para akong nahihilo, oh natatangay. Para sakin negative vibe yung natatanggap ko when I stare at dark sides." sabi nito habang nakatingin parin sa kalangitan.

"Bakit naman negative Kavin? Kung titignan ang buong kalangitan ay isa itong boring na tanawin. A dark and void sight. But if you try looking at its details; the stars and the moon masasabi mo talagang the sky is a masterpiece." sagot ko sa kanya. (MEOW)

"Marami akong lungkot sa kaloob looban ko Shumi. Where do I place more? Parang punong puno na ata ako ng lungkot."

Nakatingin lang ako sa kanya, "sorry." (MEOW)

"Shumi, ano ba ang dapat kong gawin para hindi na ako maging malungkot? Masaya ba pag pusa ka?"

Kavin, sa totoo lang hindi din naman ako masaya eh. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang mga nakaraan ay babalikan ko talaga ang mga panahon na yon para itama lahat nang maling desisyon na nagawa ko sa buhay.

"Shumi, wag mo nalang kaya akong iwan."

Halos mabulonan ako sa sinabi niya. Shutacca mare! Sure kana ba jan?

Mayamaya ay bigla nitong isinara ang mga bintana at naglakad patungo sa kanyang kama. Sinundan ko naman ito at pumwesto rin katabi niya.

"Let's sleep Shumi. Goodnight" maikling bati nito.

'okay, goodnight Kavinn. Sana matulongan mo ako'

——
A/N:

PLEASE CONTINUE TO READ AND VOTE!! THANKYOU SO MUCH! ❤️

Shumi's OwnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon