KAVINN FORRANDE
"Sorry Kavin, pero the book you are in search of has been borrowed already. Isasauli yon mamaya kaya mamaya mo nalang hanapin. I will reserve it for you but be sure to come back tomorrow. Okay?" sabi ng Librarian na si Madam Lucille.
Sa dinami dami ng libro sa Library yon pa talaga ang hindi ko maabutan. May 25 mins. pa ako bago mag 1, kaya siguro sa gym na muna ako tatambay.
Pagkapasok ko ay walang tao, kaya nakapagtataka kung nasaan kaya ang mga athlete pero siguro may seminar sila ngayon o orientation. May bola naman kaya ibinaba ko na muna ang bag ko at nagsimulang mag shoot.
"Meow." napatigil ako sa paglalaro ng marining ang boses ng isang pusa. Nakita ko sa Shumi na nakaupo katabi ang mga gamit ko.
"Ming, tignan mo nalang kung paano maglaro ang isang Forrande." pang hahambog ko at nagpatuloy sa pagtira hanggang sa tumunog ang bell.
Huminto ako at tumabi kay Shumi na nakaupo. Kinarga ko ito at isinuot ang bag ko. Habang naglalakad pabalik ng room ay karga karga ko si Shumi.
"Dito na muna kita iiwan, dahil bawal ka sa loob." inilagay ko si Shumi sa isang bench malapit sa classroom namin. Pero before ko siya iniwan ay binigyan ko muna siya ng piraso ng biscuit.
"Bro! May practice tayo bukas ng hapon, g ka?" paghahabol na tanong ni Jerome.
"Kailan pa ba ako umabsent ng practice tol" sagot ko.
"Kaya nga, don't miss the moment. Baka marami manood bukas" lumiwanag pa ang mukha nito habang nagsasalita. Halatadong ulol sa babae.
Umalis na rin ito mayamaya at nawala na rin si Shumi. Kaya pumasok nalang ako sa room. Biglang nakita ng mga mata ko yung babae sa bintana.
Hindi ko alam kung creepy ba siya pero parang ganon na nga. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pa talaga siyang tignan at pag-aralan eh, hindi ko naman siya kilala. Naupo ako at nakinig sa guro.
"Using a graphing paper, graph what is written on the board. This will serve as your attendance. No paper, no attendance." pag-uutos ng Guro.
Kinalmot ko ng malala ang ulo ko dahil wala nan akong graphing paper, hindi ata ako preparado. Kaya lang, biglang may nag-abot sa akin ng papel at ng tignan ko ito, yun yung babae sa bintana.
'Hindi naman ako humingi kahit kanino pero bakit alam nya na wala ako nito?'
Nanlamig ako sa naiisip ko nang bigla siyang magsalita.
"Kunin mo." nakatitig lang ako sa kamay nya. Hindi ko alam kung kukunin ko ba ang papel pero inilagay nya na ito sa mesa. Iginugol ko ang oras sa pagtitig sa papel baka kung may anong sumpa ito.
"10 mins. left" sabi nang guro.
Wala akong choice kundi magsulat sa papel para makapasa dahil ito ang attendance namin. Sayang naman ang pakikinig ko kung papalya lang ako dahil sa isang pirasong papel.
Pagkatapos kong maipasa ang trabaho ko kay dahan dahan kong tinignan ang babae sa bintana. Nagsusulat parin siya at tila nahihirapan kaya nakapag desisyon ako na lapitan at tulongan siya.
"Hi." panimula ko. Ngunit ng tignan ko ang ginagawa nito ay nagdodrawing na pala siya at tapos na rin pala.
Bigla akong nanigas sa hiya at bumalik kaagad sa upuan ko. Hindi pa ako nakaramdam ng ganito ka kabadong pakiramdam sa buong buhay ko.
'hindi ko na talaga siya kakausapin'
Pagkatapos ng klase ay natagpuan ko si Shumi sa labas. Kinarga ko ulit ito, dahil bibilhan ko sana siya ng pagkain sa canteen.
Sa daan patungo doon ay bumuhos ang malakas na ulan dahilan sa pagka basa namin ni Shumi. Pumunta akong parking lot at ibinaba siya. Aalis na sana ako nang makita kong nandun parin si Shumi.
"Shumi, umuwi kana."
Nakatitig parin ito saakin kaya dinampot ko nalang ito at ipinasok sa sasakyan.
"Iuuwi nalang kita dito bukas. Sa bahay ka nalang muna."
Pagkarating ko nang bahay as usual, diretso sa kwarto at nagbihis. Iniwan ko muna si Shumi sa kama dahil natutulog naman siya at halatang napagod sa biyahe. Malayo naman kasi ang bahay namin at sa school kaya siguro nagka ride lag.
Hehe waley.
Pagkatapos kong magbihis ay humiga muna ako at nag facebook. May chat pala saakin si Narlyn Jean yung kapitbahay ko dati, pero ayaw kong replyan dahil mukha itong maasim at jeje. Pinatay ko nalang ang cellphone ko at matulog kasama si Shumi.
——
A/N:PLEASE CONTINUE TO READ AND VOTE!! THANKYOU SO MUCH! ❤️