4. KAVINN FORRANDE

5 5 1
                                    

KAVINN FORRANDE

Pagkatapos kumain ay agad kong tinimplahan ng gatas si Shumi at dinala ito sa kwarto. Hindi ko pa naipapakita si Shumi sa parents ko kaya siguro secret na muna since ngayon lang to mangyayare dahil naawa ako sa kanya.

"Nasaan ba kasi yung amo mo Shumi." tanong ko sa pusa habang umiinom ito ng gatas. Binuklat ko na ang mga takdang aralin ko at tinapos ito.

Habang naglalaro si Shumi sa paanan ko ay napansin kong nawala ang pendant collar nito. Kinuha ko si Shumi at pinagmasdan. Apakagandang pusa nito, kulay asul ang kanyang mata at kulay itim ang ilong nito.

Nakatitig ito sa akin na para bang may gustong sabihin kaya niyakap ko nalang ito.

"Shumi, alam mo ikaw pa ang kaunaunahang pusa na nadala ko dito sa bahay. May amo ka ba?"

"Meow."

"Wala?" masaya kong sinabi sa kanya kunware ay naiintindihan ko ang sinasabi nito.

"Meow."

"Sige, bukas pag hindi ka parin makauwi ay ako na ang magiging bago mong amo okay?"

"Meow."

Tumawa nalang ako sa mga pinagsasabi ko. Naiintindihan kaya ako ni Shumi? Napangiti ako sa iniisip kong ampunin siya.

Mahilig kasi ako sa mga pusa pero hindi ko pa ako nakapag-alaga nito. May pusa kami noon pero si Nana ang nag-aalaga, kalaunan ay nagkasakit kaya hindi na kami bumili ng bago. Masakit kasi pag namatay.

Halos isang buong linggo kaming naiyak ni Sheena noon dahil lang sa pagkamatay ng Pusa namin kaya napagdesisyonan ni mama at papa na ang unang pagkakataon na magkaroon kami ng alagang pusa ay siya ring magiging katapusan.

Habang nag mumuni muni ay biglang tumawag si Ma'am Librarian sa aking cellphone.

(Kavin? Good evening)

"Good evening."

(Uh, about the book. It wasn't returned kanina kahit na due na. I will be looking for it, and I will just probably call you pag nandito na. I called to inform you nga pala..)

"Oh, okay. Thanks!"

And we hung up. Medyo close kami ng school librarian namin dahil bukod na most of the times akong nandun ay palagi ko siyang kinukulit about books kaya ayon, we exchanged numbers para mas easy ang communications.

So, wala yung librong inaantay ko. Sino kaya ang humiram non ba't hindi isinoli agad. Napaka irresponsable naman.

I saw Shumi by the window staring at the clear night sky. Ganito ba talaga pag bored ang mga pusa? Parang napaka unusual naman sa isang pusa ang ganitong gawain, pero I believe na iba talaga si Shumi.

"Hi. U okay? Coz I'm not." Lumapit ako sa kanya ar tumitig na rin sa kalawakan.

"Do you feel relaxed when you stare at the skies Shumi?" i asked. Wala akong natanggap na reply kaya I spoke back again. "Kasi ako, hindi. I get so troubled looking at dark corners. Para akong nahihilo, oh natatangay. Para sakin negative vibe yung natatanggap ko when I stare at dark sides."

"Meow." Sagot niya.

"Marami akong lungkot sa kaloob looban ko Shumi. Where do I place more? Parang punong puno na ata ako ng lungkot." Sumandal ako sa isang side ng window, and Shumi is on the other side also.

"Meow." she responded again.

"Shumi, ano ba ang dapat kong gawin para hindi na ako maging malungkot? Masaya ba pag pusa ka?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Ewan ko ba pero parang tao ang kausap ko pag kasama ko si Shumi. It's not that I am romanticizing nga cat kasi hindi naman ako ganyan ka manyakol. It's just that nararamdaman kong pinapakinggan niya lahat nang sinasabi ko.

"Shumi, wag mo nalang kaya akong iwan." sabi ko habang nakatingin sa mga langit. Naramdaman kong lumapit si Shumi sa akin kaya niyakap ko nalang ito.

Moments came and I saw anothet car stop by from my window. Iniluwa nito si Sheena. Hinatid pala siya ng boyfriend niya. The car left and she was there standing and looked at me.

She smiled.

I turned my back on the window at isinara ito.

"Let's sleep Shumi. Goodnight"


——
A/N:

PLEASE CONTINUE TO READ AND VOTE!! THANKYOU SO MUCH! ❤️

Shumi's OwnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon