KAVINN FORRANDE
Pagkadating ko sa bahay, nakaugalian ko ng hindi dumaan sa front door kundi ang umakyat nalang sa bintana ng kwarto ko. I don't want anyone to know na nandito na ako dahil nakita nila ako. I want them to know na nakauwi na ako dahil ito yung oras na dapat ay nandito na ako. May difference yon, just observe.
Lumaki kasi akong sobrang observant na tao at tahimik. Madalang akong makigpag-usap sa mga tao lalo na kung hindi ko gusto ang pinagsasalita nila. Madali akong mairita sa isang simpleng salita. Sila Jerome lang talaga ang kinakausap ko ng maayos kaya hindi ko talaga malaman laman kung bakit akong famous sa school. Pero naisip ko na siguro dahil yon sa isa akong basketball player.
Wala sa isip ko ang pagkakaroon ng girlfriend kaya minsan rin nila akong tawaging bakla dahil tangkad kong 'to ay malumanay at malambing ako sa mga hayop lalo na sa pusa. Siguro alam na nilang lahat yan sa paaralan. Hindi din naman ako nandidiri sa mga babae, sadyang hindi ko pa talaga alam bakit at kung saan ang hilig ko sa kanila. Binabansagan din nila akong baog, dahil raw wala akong hilig sa ganon. Hindi din naman big deal sa akin ang sinasabi nila kaya hindi ko na rin lang pinapakialaman.
Mahilig ako makinig mg music pero mapili ako sa playlist na pinapakinggan. Hindi ko alam kung bakit iba ang taste ko pero ito talaga ako. Ang routine ko everyday is the same thing I did from the past years and will be doing those for the next hundred years. I do not know pero alam ko lang na boring ang buhay ko.
Hindi ako family oriented dahil busy ang buong pamilya ko. Nagtitipon tipon lang kami pag may okasyon. Okay naman ang relasyon ko sa kanila sadyang hindi ko lang talaga hilig ang makipag usap sa kanila.
Nilatag ko ang gamit ko sa mesa kasi masyado akong organized na tao. Ayaw ko sa makalat at madumi kaya sige, siguro bakla ang standards ko pero tunay talaga na lalaki ako.
Pagkatapos kong iligpit ang lahat at magbihis ay humiga muna ako sa higaan at binuksan ang cellphone ko. Nag scroll ako sa newsfeed ko sa facebook at dahil wala naman akong naiintindihan sa mga nangyayare ay pumikit na lang muna ako.
- -
Nagising ako sa katok ng pinto sa labas. Binuksan ko ito at nakita si Nana sa labas para yayain akong kumain. Dahil nagugutom na rin naman ako, bumaba na ako kasama si Nana at natagpuang nasa mesa na pala si Mama at Papa.
"How's the practice Kav?" Pagbubukas ni mama ng topic sa mesa. Umupo na muna ako at sumagot.
"It's fine ma. Coach said I'm doing good. Baka new shoes yan" sumandok ako habang nagsasalita at napatawa naman sila na nakikinig.
"Well, new shoes will come after good grades Kav, you know the drill." Papa replied. Masyadong seryoso si papa sa acads kaya bukod sa pagigong athlete ay namumursige din ako sa aking grades.
"Dad, don't be too serious. Kinakabahan ako ng malala sayo." Tumawa na naman sila ulit pero totoo naman talagang kinakabahan ako.
Nagpatuloy kami sa pagkain habang nag didiscuss ng mga bagay ng biglang dumating si ate.
"I'm home!" inayos niya yung gamit niya sa sofa saka dumiretso sa kusina.
"The spoiler has arrived." sabi ko at umubo ng mahina. Tumawa sila mesa except kay ate na nakataas ang kilay na para bang umaapoy na nakatingin sa akin.
"What do you mean weirdo?" sumandok na ito at umupo sa tapat ko. She crossed her arms at looked at me like stupid. Napatawa nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Sheena and I are having issues na hindi alam nang mga parents namin. We act as if nagbabangayan lang kami but it's for real.
Panay titig parin si ate saakin kaya I decided to finish eating kahit marami pang laman ang plato ko. Tumayo ako at iniligpit ang pagkain ko.
"What's wrong Kavinn?" tanong ni mama.
"Busog na po ako." maikling sagot ko.
Pumunta ako sa kusina at sumunod naman si Sheena. I'm trying my best not to talk to her pero inunahan nya na ako.
"Kavinn, don't initiate a fight. We're not kids anymore." uminom siya ng tubig.
Nagpatuloy ako sa paghugas. "Are you that triggered as always Sheena?" kalmado kong sagot sa kanya.
"Bakit kailangan mo pang sumali?" nararamdaman ko ang inis sa tono nya.
"Eh kailangan ba talagang pakielaman mo ang buhay ko?" tanong kong pabalik sa kanya.
Iniwan ko siyang nagsasalita sa kusina at umakyat na sa kwarto ko. This day feels so tiring and boring.
Pagkaumaga as usual, pumunta akong school. Dahil walang practice ngayon ay dumiretso na ako sa room. Dahil wala naman ako sa mood umupo ako sa bandang likuran malapit ang bintana at humalukbong.
Nagising ako sa boses ng mga kaklase ko at laking gulat kong nadatnan yung babaeng nakaupo dito kahapon na nakitingin lang saakin habang nakatayo. Kumunot noo ko siyang tinignan sa mukha.
"Ano?" tanong ko sa kanya.
"It's my seat." sagot nito saakin at iginiya ako para tumayo. Ewan ko kung bakit naman ako nagpadala pero nabalisa talaga ako sa tono ng pananalita niya. Malumay ang boses nito pero puno ng curiosidad ang buo kong sistema.
Hinawakan ko ang wrist niya pero kaagad nya itong binawi. Hinablot ko ito ulit kaya napatingin siya saakin.
Puno ng misteryo ang mga mata nito na para bang magulo at walang katahimikan. Nararamdaman ko ang bahid ng takot sa mga mata niya kaya binitawan ko nalang ito at umupo sa ibang upoan.
Ano bang meron sa kanya? Bakit ko ba pinapakialaman ang buhay nya?
Pagkatapos kong kumain ng lunch ay hindi na muna ako nakipag kita kila Jerome dahil masyado akong wala sa mood para magpakasaya.
Papunta akong Library ng makita ko ulit ang pusa. Kinuha ko ito at umupo muna sa bench. Pumikit ako at hinaplos haplos ang mga balahibo nito.
"ming, what's wrong with me?" mahinahon kong tanong sa pusa.
"meow" sagot nito.
"Parang lahat nalang ng bagay ay pinoproblema ko ming."
"Meow" sagot niya ulit.
Hinaplos haplos ko ito hanggang sa nafeel kong may collar na pala yung pusa. Tinignan ko ang collar at binasa ang nakasulat sa pendant.
"Shu-mi." basa ko.
"Shumi pala ang pangalan mo Ming? Ba't hindi mo sinabi.." natawa nalang ako sa pinagsasabi at pinag tatanong ko sa pusa.
Binigyan ko ng kaonting biscuit si Shumi para may makain naman siya. Mabango si Shumi ngayon kaya tiyak akong may nag-aalaga talaga sa kanya.
Iniwan ko na muna si Shumi sa bench at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa Library.
——
A/N:PLEASE CONTINUE TO READ AND VOTE!! THANKYOU SO MUCH! ❤️