KAVINN FORRANDE
Pagkadating ko sa school ay pinakain ko na si Shumi ng biscuit at iniwan na muna sa bench. Agad akong pumunta sa room. Ewan ko ba kung bakit nagmamadali ako pero nagmamadali talaga ako.
"Aray." Bigla kong natapakan yung medyas ng babaeng nasa unahan ko. Busy kasi ang hallway ngayon dahil maraming estudyanteng nadaan.
"Hala, sorry." Paghihingi ko ng tawad. Tumalikod lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Kumunot noo kong pinagmasdan ang pag alis nito at napansin kong nadumihan ko pala ito.
Nagpatuloy nalang rin ako sa paglalakad. Napansin kong parehas kami nang patutungohan at napagtanto kong kaklase ko pala ito kaya nanlaki ang mga mata ko nang nalaman kong siya pala yung babae sa bintana.
Agad akong umupo at humalukbong sa mesa sa kahihiyan. Hindi ko siya kayang kausapin ulit matapos na ako napahiya sa kanya ng ilang beses.
Dahan dahan ko itong nilingon ngunit nakatingin na pala siya dito. Pumikit nalang ako sa kahihiyan.
'bakit ba naman kasi ito nangyayare?'
Nang dumating ang guro ay nawala na ito sa isipan ko hanggang hapon. Pagkatapos ng klase ay pumunta na ako sa gym para magbihis dahil may practice kami ngayon.
Nang magsimula ang laro ay nagsidatingan na ang mga estudyante at kadalasan sa kanila ay mga babae na nagbibigay ingay sa gym.
Minsan nakakairita rin ang presensya nila dahil masyado silang maingay at ayaw ko sa maingay.
Magkalaban kami ng team ni Jerome dahil kami naman talaga ang magkaalyado sa totoong laro.
"GO KAVINN!!"
Tumira ako ng tres at maasahan naman talaga ako pagdating sa ganyang bagay kaya sapul.
"JEROME!!"
Pumosisyon ito ng tres kaso sa kasamaang palad ay naagaw ko ito. Lalong umingay ang gym dahil sa mga babaeng nagsisisigaw sa pangalan namin.
"AHHHH!!!"
"KAVINN JOWA!!"
"BABY JEROME!!""Forrande for three~."
Tinira ko at syempre, sapul.
Pumito ang ref para timeout. Umupo ako sa bench habang nag didiscuss ang coach nang biglang may nag abot sa akin ng tubig.
Galing ito sa babae sa bintana. Kabado ko itong nginitian at umalis ito kaagad. Masungit. Uminom ako ng tubig at nagpatuloy sa pakikinig.
Pumito ulit ang ref kaya pumasok ulit kami sa court.
May bago kaming position na gagawin kaya pumwesto na lagat ng kagrupo ko maliban sa isang bagohan. Sumenyas ako sa kanya sa pwesto niya pero halatado ang kaba nito kaya nilapitan ko ito.
"Tol, pwesto" bumalik ako kaagad sa pwesto ko. Ngunit hindi parin ito nakikinig. Todo nginig ito kaya sinenyasan ko ang mga kasama ko na hindi na muna gawin ang position.
"15 seconds" sabi ng announcer.
Dinoble effort ko ang laro, at tumira ng dalawang dos.
"SHIT KAVINN!! AHHHHHH"
"GO JEROMEE!!!!!""5 seconds"
"5"
Nasa akin ang bola at ang pinakamalapit na kasama ko sa rin ay yung kabadong bagohan.
"4"
Itinaya ko sa kanya ang pag-asa sa at ipinasa ang bola.
"3"
Nanlaki ang mata nito kaya inilagan niya ang bola.
"2"
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
"1"
Lumabas ang bola sa court
"TIME FOR 3RD QUARTER" -announcer
"YUNG BABAE!!"
"MISS!!!"
"HALAAAA!! NATAMAAN"Tinakbohan ko ang natamaan at napag-alaman na yung babae sa bintana pala ito.
"Wag kayong lumapit. Bigyan nyo ng hangin. Tumawag kayo ng medic!" pag-uutos ko habang palapit sa kanya.
Niyakap ko ito at pinaypayan gamit ang kamay ko. Maya maya ay dumating ang medic. Kaya sinamahan ko nalang ito.
Una, natapakan ko siya. Ngayon natamaan ko ng bola. Wala na bang mas nakakahiya sa mga nangyayare ngayon?
"Masyadong malakas yung pagkakahagis mo sa bola kasi nahimatay talaga ito. sniper ka pala ah, sa muka pa talaga natamaan.." mahinang tumawa si Vanessa na isang student nurse na pinsan ko.
Sumunod na lumabas yung doctor.
"Mr. Forrande, i suggest na bantayan mo nalang muna ang pasyente. I guess, Vanessa told you everything naman""Salamat doc."
Pumasok ato at gising na pala siya. Tumingin ito saakin ngunit ibinaling naman kaagad ang tingin sa bintana.
"Hi, I'm so-"
"Umuwi ka nalang." agad nitong sagot.
"H-huh?"
"Kaya ko sarili ko. Salamat nalang sa walang kwentang tulong mo."
Tumalikod ako kaagad pagkatapos ko itong marinig at lumabas sa clinic. Ayaw nya naman pala ang tulong ko, edi sige.
Bumalik ako sa gym at para magbihis pero andon pa pala sila Jerome na nagbibihis din.
"Tol, musta na yung chix mo?" pang-iinis na tanong ni Jerome. Tumawa tawa pa ito.
"Gago ka ba?" sagot ko habang binubuksan ang locker ko.
"Crush ka non pare."
"Ha! Asa! Una na muna ako." pagpapaalam ko sa lahat at lumabas ng gym.
Nasa parking lot na ako ng maalala ko si Shumi na hindi ko nakita buong araw. Babalik sana ako sa school pero nasa harapan ko na pala ito kaya kinarga ko kaagad ito at isinakay sa sasakyan.
Pagdating sa bahay dumiretso ako sa CR para maligo.
——
A/N:PLEASE CONTINUE TO READ AND VOTE!! THANKYOU SO MUCH! ❤️