KAVINN FORRANDE
Pagkatapos kumain ay agad akong tumungo ng kwarto and as expected, sinundan ako ni Sheena. I was about to close the door ng nilagay nya ang kamay nya sa pagitan nito.
"Can we talk?"
Binuksan ko ang pinto at pumunta sa kama.
"Kavinn, when will you talk to me again?"
"I have no plans." maikli kong sagot.
"Kavinn, kasi ano. I'm tired. Wala na akong mapagsasabihan sa problema ko."
"I feel the same Sheena."
"Kavinn, please. Ano bang gusto mong gawin ko? Abort the baby? Will that make you happy? Will that make you talk to me again? Will that make you forgive me? Huh Kavinn?" Ramdam ko ang sakit sa pananalita ni Sheena. Nakayuko parin ako at hindi ko talaga siya kayang kausapin.
"Sheena kasi, lumabas ka nalang." Tumayo ito at yumakap sa akin.
"I know that you still care about me. I feel it. Kaya ka ganito kasi mahal mo ako. I know you will tslk to me eventually. I know it Kavinn." Iniwan niya ako at lumabas.
Pagkasara niya ng pinto ay agad akong napaiyak sa sakit. Nilapitan ako ni Shumi.
"Shumi~" patuloy akong umiyak.
Hindi ko maintindihan bakit iba ang nararamdaman ko. Alam kong mali ang ginawa kong hindi pansinin si Sheena pero bakit parang mas mali atang gawin ang pabayaan siya.
"Disappointed ako Shumi kasi, I looked up to her."
Ate ko siya. She was my role model and hinahangaan ko siya sa lahat ng achievements niya hanggang sa ipinagtapat niya saakin na buntis siya. It has been almost 3 months ko siyang hindi pinapansin pero hindi namin ipinapahalata sa mga magulang namin kaya mas lalo akong nasasaktan kasi parang pinaplastic ko nalang siya pag kasama namin sila mama.
Ate ko siya pero parang tinatraydor ko siya. Kapatid ko siya pero parang pinandidirian ko ang nangyare sa kanya kaya ako nasasaktan kasi napagtanto ko ang hirap na dinadanas niya ngayon.
Nakatulog ako sa kakaiyak at kinaumagahan ay maaga akong nagising kaya maaga rin akong pumunta sa school.
Pagkababa ko sa sasakyan ay biglang tumakbo si Shumi palayo. Siguro maglalaro na naman yon kaya hinayaan ko nalang.
Tahimik ang paligid dahil masyado pang maaga. Na appreciate ko ang ambiance ng school namin pag walang tao. Napaka peaceful ng paligid.
"Kavinn. Pwede ba tayong mag usap?" nagising ako sa realidad ng bigla akong hinawakan sa braso nung babae sa bintana.
Binawi ko ang kamay ko. Ayaw ko siyang kausap at isa pa ay nahihiya ako sa kanya.
"Alam ko na hindi ka okay. Kaya humihingi ako ng patawad sayo kung ano, ay kung sa, a-ano sa kahapon.." nauutal nitong sabi. Nakatalikod ako sa kanya kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
"Kavinn, kung hindi mo patatawarin ang isang tao sa nagawa niya ay hindi mo siya mapapatawad."
Napahinto ako sa sinasabi niya dahil para siyang tanga. Nilingon ko ito at agad niya akong niyakap.
"Patawarin mo nalang ang ate mo if that's the least you can do to help her. She needs you."
Kumalas siya sa yakap at umalis pero iba ang nararamdaman ko sa yakap niya sa akin. Parang pamilyar ang pakiramdam na ito. Kumalma ako sa ginawa niya.
Si shumi lang ang nakakapag paramdam sa akin ng ganito pero bakit ko ito nararamdaman sa kanya. Tsaka, bakit nya alam ang tungkol sa amin ni ate?
Hinabol ko siya. "Sino ka ba?"
Kumunot ang noo niya.
"Ah. Hi, ako si Mayumi Garcia. Nakatira ako sa kabilang kanto at ang tatay ko ay nagtitinda ng balut. Labandera ang nanay ko at-"
"Ok." Agad kong sagot at iniwan siya.
Nasa classroom na ako pero iniisip ko parin ang kabaliwan na ginawa niya kanina. Hindi siya pangit hindi din naman maganda pero cute siya. Hindi sa gusto ko siya pero sa tuwing naalala ko ang mga sinabi niya kanina ay natatawa talaga ako.
Siguro epekto yun nang pagkakahagis ko sa bola.
Nung dumating ang guro ay napansin kong wala pa rin si Mayumi. Maya maya ay hinihingal itong pumasok sa klase.
Sinilip ko siya sa likod at nakatingin lang ito sa bintana. Matangos ang ilong nito at masyadong makapal ang kilay.
Magandang baliw.
--
A/N:PLEASE CONTINUE TO READ AND VOTE!! THANKYOU SO MUCH! ❤️