Chapter 8

11 2 0
                                    

Zach's

Nagising ako na tulog ang lahat. Si kuya Jay nakahiga kay Kyla. Si kuya Jared kay Lana. Si Nickolai kay Nicole. Si Zane kay Jace. Ako sa mahal ko.

Pinagpalit ko ang pwesto namin. Sakin na nakahiga si Heaven. Mabigat din kasi ako baka nangangalay na to. Tiningnan ko lang siya.

Alam ko hindi ko pa siya sinasabihan ng I love you at hindi ko pa siya sinasagot ng I love you too. It's just that, I'm scared. Ang una at huli niyang sinabihan ng word na yun ay si Zeon.

Hindi ko naman iniisip na matutulad ako sa kaibigan ko tapos wala pa kasi akong sinabihan nun. At gusto ko kung may sasabihan man ako ng word na I love you e dun sa sigurado na ako.

It's just that I don't think it's Heart. Kahit pa sabihin natin na may nararamdaman na nga ako, parang hindi pa rin kasi talaga siya. Parang hindi kami para sa isa't-isa ganun.

Parang siya yung panandaliang saya na dumating. Pero sana hindi. Kasi ayoko na sa iba. Tumino na nga ako kahit na 7 months pa lang kaming magkasama eh. Gusto kong siya nalang yung maging The One ko.

"Stop eye raping me Heaven," nagulat ako nang mag salita siya.

"I'm not eye raping you. Iniisip ko lang kung pang habang buhay ka na ba o panandalian lang na binigay saken," mahina kong sabi sa kanya tapos bumangon agad siya at tiningnan ako na parang nagtatanong.

"Heaven, sayo lang ako forever," sabi niya tapos ngumiti siya.

"Heaven, forever doesn't exist," seryoso kong sabi sa kanya.

"Then let's make it exist," tapos kiniss niya ako.

"Pinky Swear?" I asked and she nodded.

"Awww, guys napicturan niyo ba? Ang sweet talaga," then napalingon kami kila Nicole na hawak ang phone ko.

"Yep, napicturan ko," nakangiting sabi ni Nicole.

"Ang landi niyo kasi, nagising tuloy kami," tapos nagtawanan sila kuya Jay.

Alam nilang nahulog na ako. Hinahayaan lang nila ako, basta wag ko daw hahayaan na masaktan ako. Wag daw 100 % ang ibigay kase nakamamatay.

"Have you had enough sleep? Pupunta na tayo ng Batangas, ligo na at mag prepare," then nagsitayuan na kami at nagpunta sa kanya kanyang locker room.

Habang nagshashower eh nagkekwentuhan kaming mga boys.

"Zach, live your life to the fullest," sigaw ni kuya Nickolai na nasa kabila ko lang.

"Whoooo! Lamiiiiiig! Guys, papatalo ba tayo mamaya?" sigaw ng Senior namin.

"NO! Dudurugin ulit natin ang Hell Univ! Us Heavenians should win!" sigaw naman ni kuya Jared tapos nagtawanan lahat.

----------

Kami ay uuwing luhaan. Dahil sa kami ay panalo. Pasok kami sa Finals. Naiyak yung mga babae maliban kay Heaven.

"Oh, kapag nanalo kayo sa Finals, Volleyball at Basketball, mag babakasyon tayo! Gusto niyo?" nagsigawan naman kaming lahat. "Ipanalo niyo muna ang Finals!" natatawang sabi ni Coach.

Habang nasa Hell Univ. kami ay wala naman nangyari na masama pero ang gugulo ng tao dun sobra.

"Oy Zach, dun tayo sa Beach House kung sakali ha!" request ni Zane.

"Gusto niyo bang dumaan muna sa SM Dasma para dun na tayo mag dinner? Treat ko," sabi ni Coach.

Sumang-ayon naman ang lahat. Good thing, Chowking kami kakain.

"Ang saya ng boys oh, dito tayo kakain," sabi ni Coach. Alam niyang lahat kami sa Basketball team ito yung favorite na kainan dito.

Tabi tabi ang mga couples napansin yun ni Coach.

"Ano ba yan, tagal bumalik ng Coach ng Volleyball team. Mag-isa lang tuloy ako habang kayo ayan tabi-tabi ang partners niyo. Maghiwalay nga kayo!" pabirong sabi ni Mr. Coach pero halatang miss niya na si Ms. Coach.

"Homecoming na pala next week, may isusuot na ba kayo? Eh ang Miracle 5 nagpractice na ba o on the spot nalang ulit?" tanong ni Coach.

"Coach, di uso practice sa Miracle 5, tamad yang mga yan eh," natatawang sabi ni Kyla which is totoo naman.

"Miracle 5, we have a practice tomorrow, 7 am to 3 pm," sabi ni kuya Jared. Bale di ako papasok sa lahat ng subject ko, excuse naman kami eh.

"Oh diba coach, sakto pa sa klase nila yung practice," sabi ulit ni Kyla tapos tumawa silang lahat.

Dumating na yung mga inorder kaya tumahimik kami saglit. Habang nakain para akong bata na nagpapalambing kay Heaven. Walang pakialamanan. Bakit ba, inggit kayo? Gaya kayo.

Sinubuan niya ulit ako. Inakbayan ko siya tapos nilapit sakin.

"Iloveyou," mahina kong sabi. Pero di ko alam kung naintindihan niya kasi puno ang bibig ko. Kiniss niya lang ako sa pisngi eh.

There’s nothing wrong on trying right? By the way she's mine. And will be Forever Mine.

Mess We've MadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon