Chapter 9

9 2 0
                                    

Oh ohohoh and I really want mo oh oh ore

I know your love is such a sugar rush and I can never get enough

I'm like oh ohohoh and I really want mo oh oh ore

Yeah honey you're the sweetest thing I've ever seen before

I'm like a kid in a candy store."

Hindi ko napansin na madami palang nanunuod samin. Nandito kami ngayon sa studio, nagpapractice para bukas. Ang bilis ng araw no? Homecoming Dance, bukas na agad. Excited na ako.

Uhm, guys. Will you please go to your class. Baka kasi mapagalitan kami," sabi ni Zane habang nagpapacute.

Nalungkot naman yung mga babaeng schoolmate namin then umalis na sila.

"We're like a kid when we are with them," pakanta naman na sabi ni kuya Jay.

"Pustahan tayo, royal blue ang kulay ng coat ni Zach," natatawang sabi ni kuya Jared.

Royal Blue is my favorite color. So what. So what we get drunk ~

"Eh pustahan tayo, naka all black si kuya Nickolai," natatawa ko naman na sabi.

"Guys, we do know each other. Stop that nonsense thing," nakabusangot naman na sabi ni kuya Jay.

"Is that really you Jay? mapang-asar na sabi ni Zane tapos nag drum roll.

We all laugh then back to practice.

"Monthsary pala nila Zach bukas," biglang sabi ni kuya Jay habang nagpapractice kaya huminto kami at tiningnan siya. "May gagawin ka bang kalokohan bukas Zach?" tanong ni kuya Jay.

Napaisip tuloy ako. Gagawa ba ako ng kalokohan bukas? Ah, kunyari nalang nakalimutan ko ulit na 21 na bukas tapos pag Homecoming Dance na bago kumanta isespecial mention ko nalang ulit siya blahblahblah.

"Gagawa," nakangiti kong sabi tapos nag nod nalang sila.

Nagvibrate yung phone ko kayang tiningnan ko sino yung nagtext o kaya tumatawag. Si Heaven pala.

Heaven, wag mo na ako ihatid. Sasabay na ako kay Nicole. Magpractice nalang kayo. Iloveyou. :*

Napangiti ako sa nabasa ko. I wanted to reply Iloveyoutoo pero bukas na.

Hanggang 5 nagpractice lang kami then umuwi na. Pagdating sa parking lot ng Heavenians Condo for Guys eh may grupo ng mga babae na nag-aantay.

Buti nalang ibang kotse ang gamit naming lima. Ito yung mini Van na binigay ni dad saken last birthday ko para daw hindi halatang kaming lima yung nasa loob kapag nagala.

"Dude, how did they get here?" tanong ni Zane, eh bawal kaya girls dito sa parking lot hanggang lobby lang sila.

"Nilandi siguro yung guard. Dapat talaga babae nalang din ang guard dito pa di nalalandi eh," sagot ko.

Nung naipark na ni kuya Jared ang kotse eh palihim kaming pumunta sa private elevator na para lang sa Miracle 5. Eh iisang unit lang naman kami nakatira eh, magkakaibang kwarto lang.

"Girls, ayun sila Zachary Babes! Sugoooooooood!," tapos tumakbo papunta sa elevator namin yung mga babae buti nalang nagsara na bago pa sila makapasok.

"Dude, ito ang panget sa pagiging gwapo eh," sabi ni kuya Jay at natawa nalang kami.

Pag akyat sa condo eh nakaramdam kaming lima ng gutom.

"Sinong marunong magluto sa atin? Si Zach, oh alam mo na. Magluto ka," sabi na eh, ako nanaman. Marunong magluto yang apat na mokong na yan, tamad lang talaga.

"Braised Beef please," sabi ni kuya Nickolai na parang na-order. "Zane tulungan mo na si Zach," andaya talaga eh. Porket 17 palang kami tas sila gurang na. Tsk tsk.

Nagluto nalang kami ng tahimik ni Zane. Pagkatapos namin ay hinanda na namin yung plato then nilagyan sila ng pagkain.

"Lagyan kaya natin to ng Vitamins? Para healthy," sabi ni Zane habang naka evil smile.

Alam niyo kung bakit? Alam niyo yung vitamins na nakalagay sa capsule? Tapos kapag binuksan powder. Hahaha! Yung powder balak niyang ihalo sa pagkain nila kuya Jared.

"Kuha ka na dun," natatawa kong sabi.

Nang matapos namin gawin ang kalokohan namin e umupo na kami tapos tinawag ng pasigaw sila kuya Jared.

Pag dating nila eh napangiti sila sa nakita nila dahil gutom na talaga sila. Nilagyan lang namin ng powder yung pagkain nila hindi kasama yung nasa bowl kasi kulang ang isang pinggan.

We silently prayed then eat.

"Sht. Ang panget ng lasa! Ano nilagay niyo dito?!" urat na sabi ni kuya Nickolai.

"Hoy, kayong dalawa bakit ang panget ng lasa nito?" kunot noo na tanong naman ni kuya Jared.

Halatang nagpipigil ng tawa si Zane.

"Vitamins. It's healthy dude, kung ayaw niyo kuha nalang ulit kayo ng panibago. Di nila nilagyan yung sa bowl kasi siguradong mabibitin sila pag ginawa nila yun," sabi ni kuya Jay habang nakain.

We forgot. Masyadong matalino si kuya Jay kaya malalaman niya agad to. Tsk tsk. Sila kuya Jared naman ay natawa nalang samin.

"Dapat kasi di niyo nilagyan si Jay, nahuli tuloy kayo," sabi ni kuya Nickolai tapos tumawa siya.

"Eh kuya kahit naman di namin lagyan ipapatikim niyo pa din edi malalaman niya," kunot noo kong sabi kaya binatukan ako ni kuya Nickolai. Katabi ko kasi siya.

"Ano, wrestling na ba ang kahahantungan nito?" natatawang sabi ni kuya Jay.

"Matalo maghuhugas!" matapang na sabi ko. Napagplanuhan na namin kung sino ang pupuntiryahin namin.

Si kuya Jay ang nag-isip. Si kuya Jared daw ang bubugbugin namin kase siya nalang ang hindi pa naghuhugas sa aming lima.

Pagkatapos kumain nagpahinga kami sagit tapos pumunta sa kwarto kung saan kami nagrewrestling kasi pinagsama samang kama ang nandito. Ang sabi ni kuya Jared si kuya Jay daw puntiryahin.

Pero nung makalapit kami kay kuya Jay sinunggaban agad namin si kuya Jared tapos dinaganan. Pilit siyang kumakawala pero di namin siya pinakawalan nagbilang kami ng 21 tapos kiniliti namin siya kung ano anong kalokohan ang ginawa namin sa kanya.

Halatang napagod siya nung pinakawalan namin siya. Tawa naman kami ng tawa habang si kuya Jared ay nakabusangot.

"Trinaydor niyo ako, ang sama niyo," madrama na sabi ni kuya Jared samin.

"Ganun talaga bro, ikaw nalang ang hindi pa naghuhugas satin eh," natatawa naman na sabi ni kuya Nickolai.

Napangiti nalang ako sa aming Bonding. Kung sa iba napasyal sila etc etc samin na Miracle 5, kalokohan ang ginagawa namin kung hindi nag jajamming.

***

AN :

Hi! :) Thanks for reading. Any comments? Sorry po sa mga wrong grammars :(( haha! Sana po di kayo nabobored. Thanks po ulit for reading :D

Mess We've MadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon