Entry #05: ASA pa

7 2 0
                                    

Title: ASA pa

Natulala ng makita kita,
Mukha mo ay puno ng saya.
Nagniningning ang iyong mga mata,
Tila kumikislap na mga tala.

Ang iyong mga labi,
Kumukurba sa isang ngiti.
Ang pagod at aking mga pighati,
Nawawala sa simple mong pagbati.

Para akong nasa alapaap kapag kasama ka,
Ang aking buhay ay masaya basta tayo lang dalawa.
Kung panaginip man itong aking nakikita,
Hihilingin ko na sana hindi na ako muling magising pa.

Alam ko na imposible na maging tayo,
Marami na akong narinig na ganyang payo.
Pero sa sobrang lalim na ng pagkahulog ko sa iyo,
Parang gusto ko nalang doon manatiling nakatayo.

Aminin ko man sa iyo ang nadarama ko na ito,
Hindi pa rin sapat satingin ko.
May ibang babae ka ng gusto,
At ayoko ipilit ang sarili ko sa iyo.

Masakit ang katotohanan na iba ang gusto mo,
Kung alam mo naman na nandito ako.
Andito ako at nagiintay para sayo,
Handang iurong ang bundok para mapansin mo.

Pero ngayon ay kuntento na ako,
Alam ko na imposible ang salitang tayo.
Hindi man nasuklian ang pag-ibig ko,
Masaya ako na nagkakilala tayo.

Sa tulang ito nais ko na iparating,
Masakit ang magmahal sa taong sa iba ay may pagtingin.
Iwasang umasa sa taong wala kang pag – asa,
Sa pagibig ay hindi lang saya kundi meron ding pagdurusa.

-----------------------------------

Antagal ko mag update nabusy sa school works ahehehe...

Title: ASA pa

-------------------------------

Her Unspoken PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon