Entry #06: Online

6 2 0
                                    

Title: Online

Masaya ako na nakikilala na kita,
Para na akong alarm sa tuwing umaga.
Hanggang gabi iniintay kita,
Nagaabang sa salitang “Matulog ka na.”

Alam ko na korni ang mga banat ko,
Pero sana kaunting minuto ay paglaanan mo.
Pagkat ikaw ang gusto ng puso na ito,
Hindi ko din alam kung bakit at paano.

Gusto ko pagaanin ang loob mo,
Gamit ang mga virtual hug na ibinibigay ko.
Gusto kita pasayahin at pakiligin ng todo,
Gamit ang forehead kiss na gusto ko ibigay sayo.

Hindi pa tayo lubusang nagkakakilala,
Pero sa f2f yayakapin talaga kita.
Kung tawag dito ay pagpapakatanga,
Lulubos – lubosin ko na.

Minsan nago-overthink ako,
Kasi baka may iba ka pang gusto.
Gusto ko marinig ang tibok ng puso mo,
Kung ako ba ang sinisigaw nito.

Kahit paminsan piling ko ang lamig mo saakin,
Gustong gusto pa rin kitang kulitin.
Alam ko na walang namamagitan satin,
Pero gusto ko maramdaman mo na espesyal ka sa akin.

Hiling ko sana ay matiis mo pa ako,
I want to work things out with you.
Masyado man maaga para sa ating dalawa ,
Pero magiintay ako kung magiging akin ka talaga.

Gusto ko sana haranahin ka,
Sa online gusto ko maramdaman mo na ika’y mahalaga.
Isipin mo man na hindi totoo na gusto kita,
Hindi mo na kailangan magisip kasi sapat ka.

Sa pag pikit ko,
Mata mo ang nakikita ko.
Wala man kinang ang mga ito,
Tila nilulunod ako ng malalalim na titig mo.

Magkaiba man tayo sana totoo na ako ay gusto mo,
Kung sayo ay mabibigo ulit ako titigil na ako.
Gusto ko maisip mo na andito lang ako,
Nagiintay ng chat at goodnight messages mo.

-----------------------------------

Christmas Break na!!!! Sa mga humabol sa pasko diyan... Sana all

Title: Online

I dedicate this to someone
-------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Unspoken PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon