Title: Bare with the Pain
Kasalanan ba na minahal kita?
Kasalanan ba na ikaw talaga?
Kasalanan ba na iyakan ka?
O kasalanan ba na umasa sa wala?Kumain ka na ba?
Maayos ba ang iyong nadarama?
Baliw na ako sa mata ng iba,
Pero kahit may problema iniisip kita.Kapag nahihirapan ka, tutulong ako,
Kapag nasasaktan ka, makikinig ako,
Kapag nangungulila ka, andito lang ako,
Pero bakit siya at siya pa rin ang gusto mo?Hindi ba pwedeng ako?
Hindi ba pwedeng tayo?
Bakit kailangan mo magpakahirap sa kanya,
Kung efforts mo ay hindi niya nakikita?Bulag ba si kupido?
Kaya yung pana tumama sa ibang tao?
O sadyang hindi mo lang ako makita?
Kasi kahit anong papansin ko parang wala kang nakita.Manhid ka ba?
Gusto kita!
Panong alam ng iba?
Samantalang ikaw hindi mo dama!Ganito ba talaga kapag nagmahal?
Kailangan ba talaga sumugal?
Ako kasi sinugal ko na ang lahat,
Pero bakit hindi pa rin sapat?Ilang galon na ng luha ang natapon ko,
Ilang hikbi na ang linunok at itinago ko,
Ilang sakit na ang naramdaman ko,
Pero bakit hindi ako mapagod sayo?Bakit hindi ako sumusuko?
Kahit sa huli, talo ako,
Bakit hindi nalang mawala ang pagkagusto ko sayo?
Kung puro sakit lang naman ang dulot mo.Pero ang lahat ng nararamdaman ko,
Hindi ko masabi sa iyo.
Hindi kita masisisi sa sakit na nararamdaman ko,
Dahil alam ko na kasalanan ko.Hindi ko kayang isumbat sa iyo,
Dahil alam ko na dulot ko ito sa sarili ko.
Mahal na mahal kita,
Pero wala akong lakas na magsalita.Sapat na siguro ang pagtingin sa iyo sa malayo,
Sapat na siguro ang pag-asa ng walang kasiguraduhan sa iyo.
Sapat na siguro na masaya tayo,
Sapat na siguro na magkaibigan lang tayo.---------------------------------------------------------
This is my first poem....
I hope it knocks some heart out....Title: "Bare with the pain"
-------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Her Unspoken Poems
PoesíaThis are the compilations of my poems. Some are form due to stress, pain and sadness. Some are form due to freedom and happiness. Can you lend some time to read this? This is my unspoken words and stories that i bear on my mind. If you're hurting al...