MV- Valentine Morning

22 1 0
                                    

I woke up and checked my clock.

6 in the morning.

Alas siyete pa ang pasok ko.

Nagmadali akong pumunta sa banyo.

Pero na unahan ata ako ng papa ko.

Naliligo si papa sa banyo.

Nakaupo naman si mama sa may lamesa, umiinom ng kape.

"Hindi man lang ako nai-greet ng valentines ng anak ko, pati asawa ko."

Nagulat ako at napatingin kay mama.

Tahimik siyang umiinom ng kape.

"Ma, may sinabi ka?"

"Wala." 

Sagot ni mama na parang nalilito.

Napatingin ako sa taas habang nag tu-toothbrush.

Ito ba yung long day.

Hoy Cupid?! Sagutin mo ko.

Hindi ako sinasagot ng loko.

ARGH. Stupid Cupid talaga.

Teka, sabi niya mapupunta lahat ng powers niya sakin ngayon.

Ibig sabihin nababasa ko iniisip nila.

OMG.

Gusto ng mama ko na--

"Ma, happy valentines." hinalikan ko si mama sa pisngi.

Doon ko lang napansing hindi ko napunasan bibig ko pagkatapos mag tooth brush.

Lumabas na din si papa sa banyo.

Paano ko ba mapapagreet si papa kay mama?

Pumasok na ako sa banyo.

"PA! Ipis!" Sigaw ko. 

Nakaturo ako sa ipis.

Mamaya pumula yung ipis at nahulog sa sahig.

"Ay pa, patay na yung ipis."

Tiningnan ko naman ang hintuturo ko.

May bala ang kamay ko.

Tinuro ko naman yung pinto.

Pumasok bigla si papa.

Natamaan ko si papa.

Naging kulay pula si papa, pero bumalik naman agad sa dati.

Pinagmasdan ko si papa.

Wala namang nangyayari.

Naligo na ako.

Maya-maya narinig kong tumitili si Yasmine.

"Sweet, sweet, Papa. Ako, kiss din."

Kiss din? Hinalikan siguro ni papa si--

Is that how my finger works?

To bring two people in love together.

To bring back the love.

I thought gawain ng Kupido ang mapa-inlove ang dalawang tao sa isa't isa.

Well, i thought wrong.

Naglalakad na ako papunta sa hintayan ng jeep.

Pagdating ko sa classroom ang dami kong naririnig.

"Sana bigyan man lang ako ng chocolates."

Boses ng babae yun

"Sana may magbigay man lang sa akin ng roses."

Boses nanaman ng babae. 

Feeling ko kay Raissa.

Yung Miss Intrams namin dati.

"Anong bibilhin ko para magustuhan niya ko."

Boses lalaki yun.

Tumingin ako sa paligid.

Sino kaya yun?

Halo-halong isip na ang naririnig ko.

"Hi Bestfriend!" 

"Hoy!"

Aray! Sinong tumulak sa akin.

Si Gwen bestfriend ko.

Tinawag niya ako, pero sa dami ng naririnig kong isip.

Hindi ko na alam kung alin ang real voice.

"May date ka?"

Tapos bigla nagsalita yung isip niya.

"Sana yayain ako ni Jacob kahit busy siya sa work."

"Yayayain ka nun. Don't worry."

Sinagot ko siya.

Shit. Yung iniisip niya yung sinagot ko.

"Eto naman. Nabasa mo naman agad yung nasa isip ko. Tingin mo talaga?"

"Oo naman. Mahal na mahal ka kaya nun."

"OY. Thank you. Tama talagang sumama lang ako sayo. Napaka positive mo eh."

Pumasok na si ma'am sa loob ng classroom.

"Maintain Order class."

"Excuse me, Miss Orcine."

Dumating si Prof. Greg.

"Yes. Greg."

Nag-uusap ang dalawang professor sa harap namin.

Maya-maya paalis na si Prof Greg nang marinig ko si Miss Orcine.

"Sayang, kung kami pa sana ni Greg. May date sana ako ngayon."

BANG!

I shot Mr. Greg with my red bullet from my finger.

My love power.

Let's call it love shot.

Red light on Mr. Greg.

Bumalik si Greg kay Ma'am Orcine at may binulong dito.

Ngumiti na lang si Ma'am Orcine.

At halata namang kinikilig ito.

That's my second couple for today.

Miss ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon