MV- Surprising Truth

17 1 0
                                    

Tumayo ako bigla sa inuupuan ko.

"C.R. lang ako Gwen."

Iniwan ko doon si Rickson at Gwen sa lamesa namin.

Pagpasok ko sa C.R. hinarap ko yung salamin.

Si Rickson. Iniisip ako?

Siya yung nag-iisip sa akin sa classroom.

May narinig akong umiiyak.

"Sino?! Sino ang gusto ni Rickson? Bakit ayaw niya sa akin?"

Isip ang naririnig ko.

Nakaharap lang ako sa salamin.

Hinihintay ko kung sino ang lalabas sa cubicle na yun.

"Nakakahiya ang ginawa ko. Nalaman niya lahat ng feelings ko para sa kanya."

Nakita ko siyang lumabas sa cubicle.

Si Dandy. Isang anak mayaman na writer ng School Magazine.

Tiningnan niya lang ako at lumabas na siya.

Palabas na ako ng C.R. nang marinig ko nanaman ang pangalan ko.

Galing sa C.R. ng boys.

Nanatili akong nakatayo sa may pinto ng C.R. ng boys.

"May gusto ba sa akin si Clarence? Baka wala naman. Tanungin ko kaya siya."

Tapos nakarinig ako ng dabog mula sa loob.

"Anong gagawin ko?"

"SHIT!" Sigaw na yun.

Tapos biglang lumabas na yung taong galing sa loob.

Dinaanan niya lang ako.

Pero yung pag daan niya sa tapat ko parang slow motion.

Si Rickson nanaman.

May gusto siya sa akin.

Shit.

Hindi ko man lang alam.

Natawa ako.

Tapos naglakad na ako palayo, pabalik na sa classroom.

Hindi mawala sa isip ko si Rickson.

Yung taong yun.

Umaastang magaling, ang kapal-kapal pa.

Tapos siya lang naman pala yung may gusto sa akin.

Naupo ulit ako sa chair ko.

"Date tayo?"

May bumulong sa tenga ko.

Napatingin ako sa likod.

Si Rickson nanaman.

Tinawanan ko lang siya.

Ngayong alam ko na ang sikreto mo.

Hindi ka na pwedeng umastang magaling sa akin.

Naupo siya sa katabi kong chair.

"Diba may gusto ka naman sa akin? Ang daming may gusto sa akin, pero ikaw ang pagtitiyagaan ko. That will make you proud."

"Baka naman ikaw ang may gusto sa akin."

Ewan ko ba.

Simula nang malaman kong may gusto siya sa akin.

Parang nagka confidence akong kontrahin siya sa mga astang-mayabang niya sa akin.

Akala mo kasi kung sinong magaling at napaka guwapo.

TORPE naman.

Natigil siya sa pagsasalita.

"Naawa lang ako sayo. May gusto ka kasi sa akin, so gusto na rin kita. Kawawa ka naman eh."

Tinitigan ko ang mata niya.

Nagtitigan kaming dalawa.

Pero lumalaban na ang titig ko sa kanya.

May something sa mata niya nung tinititigan niya ako.

Hindi lang kasi mata ko ang tinitingnan niya, pati bibig ko.

"Ang ganda mo."

Narinig ko nanaman ang iniisip niya.

Yun bang kahit ang dami kong naririnig na nagsasalitang isip.

Isip niya yung umaangat.

Natawa tuloy ako habang nakatitig siya.

Nakakatuwa siya.

"Wag ka ngang mayabang diyan. Ikaw yung patay na patay sa akin. Ikaw pa nga tong nagyaya na magdate tayo."

"Ga-graduate na kasi tayo diba? Kawawa ka naman kung hindi ko man lang pagbigyan yang pagkagusto mo sa akin for 4 years."

Oo nga 4 years.

Don't tell me 4 years niya ring tinago ang pagkakagusto niya sa akin.

Ang TORPE niya naman.

Isang Varsity ng Soccer team. TORPE.

Nakakatawa pero at the same time nakakapanibago.

"May date ako. Sorry."

Nagsinungaling ako.

Para naman malaman niya ang totoong siya talaga ang may gusto sa akin.

Ang kapal niya eh.

Nanlaki yung mata niya.

Natahimik nga siya eh.

Pati isip at puso niya natahimik.

Siguro almost 5 seconds din siyang natahimik.

Pati ako nakatitig lang sa kanya.

Maya-maya tumawa siya nang pagkalakas-lakas.

Na lahat ng tao sa room napatingin  sa kanya.

"May date daw si Clarence!"

Sigaw nito.

"Maniwala naman kayo."

Tawa ng tawa ito.

Naguguluhan tuloy ako sa kanya.

Nakatawa siya pero yung mata niya--malungkot.

"Joker ka talaga Clarence!" 

Tinapik pa nito ang balikat ko, saka lumabas sa room.

Nagsimula na ang klase, wala si Rickson.

"Hoy babae. Hindi ka na bumalik sa canteen kanina."

"Sumama yung tiyan ko."

Nagsinungaling ako.

"Eew. Kahit kailan ka talaga."

Miss ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon